Tuesday , November 30 2021

Sa palpak na pamimigay ng P1K allowance sa PLM, Isko nag-sorry

HUMINGI ng paumanhin si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga magulang ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) dahil sa sablay na distribusyon ng P1,000 monthly allowance ng mga mag-aaral kama­kailan.

Lubos ang pasasalamat ni Mayor Isko kay Universidad de Manila (UDM) president Malou Tiquia dahil sa maayos na pamimigay ng parehong halaga ng allowance sa mga estudyante ng UDM.

Aniya, “To the UDM family, to President Tiquia, to the men women and officers of UDM, thank you,”  sinamantala na rin ng Alkalde ang paghingi ng paumanhin sa nangyaring kapalpakan sa PLM.

“Sa mga nanay at tatay ng PLM students, ako po ay humihingi ng pasensiya sa inyo. Sa PLM students na nanonood, please share this broadcast… pasensiya na kayo, marami sa inyo naghintay nang matagal. maghapon at inabot ng halos hatinggabi noong unang araw ng distri­busyon… ako na po ang nahingi ng pasensiya sa inyong kainipan at matagal na paghihintay sa pila sa loob ng PLM,” Ayon kay Moreno.

Nabatid  na ang distri­busyon ng  financial assistance ng pamahalaang lungsod sa mga mag-aaral ng PLM noong  16 Disyem­bre  ay napansin na tila walang sistema at may kapalpakan dahil dumagsa ang mga magulang at estudyante, na labag sa health protocols.

Nagrereklamo umano ang mga magulang dahil hindi gumagana ang online system ng nasabing paman­tasan kaya napilitan silang magpunta nang personal.

Napag-alaman ni Mayor Isko, ang ilang empleyado na inatasan sa pamimigay ng allowance ay ilang oras din late at hindi naobser­bahan ang social distancing sa nasabing pangyayari.

Sa kabila nito, walang direktang kinalaman si Mayor Isko sa naganap na kapalpakan kaya’t maagap na humingi ng despensa sa nangyari.

Hindi nagpahayag ng paumanhin ang  presidente ng PLM na si Leyco, kaug­nay sa kapalpakan, hanggang sa kasalukuyan.

Ang pamimigay ng allowance ay ipinaubaya ng alkalde kay Tiquia at Leyco para sa mabilis at maayos na distribusyon ng  P1,000 monthly cash allowance para sa mga estudyante ngunit pumalpak ang PLM.

Sanhi ng kapalpakan ay inatasan ni Moreno si city treasurer Jasmin Talegon na panatilihin ang city cashiers sa kanilang trabaho hanggang maubos ang napakahabang pila bunga ng mga kalituhan.

“Sa mga nagtampong PLM students, hirap na hirap, nauunawaan ko kayo. Ipagpaumanhin ninyo.. kung anumang mis­com­munication… para wala nang turuan, I take full responsibility… sa mga naghintay ng pitong oras, pero ‘yan ay ‘di naman nangyari sa UDM at sa iba’t ibang lugar,” dagdag ni Isko.

Sinabi ni Moreno, ang mga tanggapan sa pamaha­laang lungsod tulad ng Office of the Senior Citizens’ Affairs na pinamumunuan ni Marjun Isidro at social welfare department sa ilalim ni Re Fugoso ay sabay din nagpamahagi ng financial assistance sa mga benepisaryo nito sa buong lungsod at nagagawa ito nang maayos at walang aberya.  Ang nangyari sa PLM, ayon sa alkalde ay bukod tangi.

Bukod sa mga estudyante ng mga city-run university tulad ng PLM at UDM, binibigyan din ng monthly allowances ng pamahalaang lungsod ang mga  senior citizens, persons with disabilities (PWD) at  solo parents.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Sab Aggabao Cara Gonzales Ayana Misola Stephanie Raz Darryl Yap

Direk Darryl sa Pornstar: Sampal sa mga konserbatibo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “THIS is a testament.” Ito ang iginiit ni Direk Darryl …

5 tulak nakalawit
DRUG DEN NABUWAG SA SUBIC

ARESTADO ang limang drug suspects habang nabuwag ang isang hinihinalang drug den ng mga awtoridad …

Driver sugatan sa ambush
KANDIDATONG KONSEHAL, 1 PA TODAS

PATAY sa pamamaril ng mga hindi kilalang suspek ang isang kumakandidatong konsehal at ang kanyang kasama …

300 bahay naabo sa Cebu

NATUPOK ang hindi bababa sa 300 bahay nang sumiklab ang sunog sa Brgy. Mambaling, sa lungsod …

Paslit na anak minolestiya
ng maelyang ama

HINDI na nakapagpigil  ang isang maelyang ama at pati ang sariling anak na 4-anyos ay ‘pinaglaruan.’ Naaresto …

Leave a Reply