Wednesday , June 24 2026
Alden Richards
Alden Richards

P200K na kinita ni Alden sa ML, ilalaan sa mga biktima ni Ulysses

SA pamamagitan ng kanyang gaming livestream nitong Linggo ng gabi, nakalikom si Alden Richards ng pera para makatulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Tinatayang umabot sa mahigit P200,000 ang naipon ni Alden mula sa mga nag-donate ng “stars” sa naging laro niya ng Mobile Legends. Lahat ng natanggap niyang stars na may katumbas na halaga ay ido-donate niya para sa mga biktima ng bagyo.

Sa kanyang Twitter account, taos-pusong nagpasalamat ang Kapuso star sa mga sumali at nag-abot ng tulong: “Maraming salamat sa lahat ng nag donate. Patuloy po tayong tumulong sa abot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo. God bless and keep safe.”

Samantala, nakaabang na rin ang fans ni Alden sa kanyang anniversary concert sa December 8, ang Alden’s Reality. Almost sold out na ang tickets para rito kaya bisitahin na agad ang www.gmanetwork.com/synergy para alamin kung paano maging parte ng kauna-unahang virtual reality concert sa bansa!

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …