Tuesday , January 18 2022

Kapuso artists, kanya-kanyang paraan sa pagbibigay-ayuda sa mga biktima ni Ulysses

PUMARAAN ang ilang Kapuso artists para magbigay ng ayuda nitong nakaraang mga araw sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

Namigay ng relief goods ang The Clash judge na si Ai Ai de las Alas bago sumabak sa lock in taping ng bagong series niyang Owe My Love.

Sa Marikina ang destinasyon ng Comedy Queen katuwang ang kanyang choreographer na si Ron Sto. Domingo. Ipinagamit ng kapatid ni Ron ang bahay nila para lagayan ng relief goods. “Hindi natutulog ang Panginoon!” bahagi ng caption ni Ai Ai sa Instagram.

Lahat naman ng kinita ng business niyang As Nature Intended noong November 14 at 15 ang donasyon ni David Licauco sa relief efforts.

Nag-livestream naman si Alden Richards nitong Linggo ng gabi para makalikom ng pera para sa mga biktima ng bagyo.

Mahigit P200,000.00 ang naipon ng Asia’s Multimedia Star sa nag-donate ng “stars” na naging laro niya ng Mobile Legends. Lahat ng natanggap niyang stars ay may katumbas na halaga para i-donate niya.

Sa Dela Costa 5, Rodriguez,  Rizal naman tumulong ang Navy Reservist at Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Halos 2,000 katao ang nabigyan ng relief packs at iba pang essentials. Katuwang niya sa operations ang team S.T.A.R.S ng Philippine Navy at Philippine Marine Corps.

Sa mga gusto namang tumulong, puwede ninyo itong ipaabot sa GMA Kapuso Foundation.

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Check Also

Angel Locsin Tonz Are John Lloyd Cruz

John Lloyd at Angel dream ni Tonz Are na makatrabaho

MATABILni John Fontanilla SIMPLE pero memorable ang selebrasyon ng actor at matagumpay na negosyong si Tonz …

Jaime Fabregas Leni Robredo

FABREGAS INENDOSO SI LENI
(Nanawagan sa mga kapwa Bicolano mag-recruit ng mas maraming supporter para kay Robredo)

INENDOSO ni Jaime Fabregas ang pagtakbo bilang pangulo ng kapwa Bicolano at Bise Presidente Leni Robredo …

Kris Aquino

Kris tuloy ang pagtulong sa kapwa kahit nilalabanan pa rin ang sakit

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga AMINADO si Kris Aquino sa kanyang Instagram post na hindi pa talaga maayos ang lagay …

Covid-19 positive

Pag-positive sa Covid status na ng mga artista

I-FLEXni Jun Nardo KANYA-KANYANG flex sa kanilang social media account ang celebrities na positive sa …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Aktor nanghinayang kay matinee idol na ‘nahagip’ na ni rich gay

HATAWANni Ed de Leon “SANA ako na lang. Hindi na rin naman siya ganoon ka-pogi, …

Leave a Reply