Thursday , June 4 2026

Buboy Villar kinompirma, hiwalayan nila ng partner na si Angillyn

HINDI sinagot ni Buboy Villar ang request naming panayam tungkol sa hiwalayan nila ng partner niyang si Angillyn Gorens dahil nangako siyang sa GMA News magpapa-interbyu.

 

Taong 2016 nagsimula ang relasyon nina Buboy at Anggilyn pero 2018 ay hiwalay na sila base na rin sa pahayag ng single father ngayon.

 

 “Actually po, two years na po kasi kaming wala rin talaga ‘no so, nag-decide lang po talaga kaming dalawa ‘no.

 

“Although marami nga nagtatanong at nag-e-expect pa rin po ‘yung ibang tao na kami.

 

“Siguro dapat talagang malaman din ng iba kasi nga ayaw ko rin naman na parang ma-stress nga si Angillyn.

 

“Kasi nga ang daming nagtatan ong, although hindi naman din siya masyadong ma-social (media) kasi nga ganoon nga ‘yung parang buhay niya roon.

 

“Parang lagi siyang nagtatrabaho. So nag-decide kami na sabihin sa public,” kuwento ng batang ama.

 

Marami ang nagtaka dahil isang taon ngayon ang bunso nina Buboy at Anggilyn na si George Michael pero 2 years na silang hiwalay, paano nangyari?

 

Sinubukan pa rin naman nilang subukan kaya nakabuo ulit pero hindi na rin umubra.

 

Ang sabi pa ni Buboy, “At mahalaga naman doon, maayos kaming dalawa at napapag-usapan namin ‘yung mga anak namin na pinaka-importante sa amin sa lahat ng bagay.

 

“Ngayon magkaibigan naman po kami at parehas po kaming focused sa journey po naming dalawa which is siya nagtatrabaho po ngayon sa Amerika at ako po naman ay focused po ako sa aking career at sa aking pagiging tatay sa aking mga anak.”

 

Samantala, walang regular na programa si Buboy ngayon kaya vlog ang pinagkakaabalahan niya na marami naman ding views at ang pinakamataas ay mahigit sa 2M.

 

Bukod dito ay may offer din siyang pelikula na hinihintay lang kung kailan siya tatawagan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …