Saturday , October 1 2022

Cristine, 7 buwang walang trabaho, na-excite sa The Masked Singer

NAGPAPASALAMAT si Cristine Reyes dahil napasama siya bilang isa sa hurado ng Philippine adaptation ng reality show ng South Korea, The Masked Singer kasama nina Aga Muhlach, Kim Molina, at Matteo Guidicelli na mapapanood sa TV5 na line produced ng Cignal, Sari-Sari Channel at Viva Entertainment simula sa Oktubre 24, Sabado, 7:00 p.m..

 

Pitong buwan palang walang trabaho o walang ginagawa si Cristine kaya naman excited siya dahil first time niyang maging hurado sa isang reality show. Nasubukan kasi niyang maging contestant tulad sa StarStruck Season 1 sa GMA 7 na pinanalunan ni Jennylyn Mercado.

 

Walang project si AA (palayaw ng aktres) sa Kapamilya Network simula nang ipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil hindi binigyan ng bagong prangkisa. Ang huling programa niya ay guesting niya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

 

Natanong ang aktres kung ano sa pakiramdam niya ngayong sarado ang ABS-CBN, may mababago sa playing field dahil TV5 at GMA 7 na lang ang magkatunggali in terms of ratings game.

 

“Personally, nakakapanibago po ang experience ko kasi bago ako rito sa TV5, pero parang wala akong nakikitang competition between TV5 and GMA kasi at this moment in time, the whole entire world kailangan mas magtulungan tayo kaysa ‘yung magka-kompetensiya,” pahayag ng aktres.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Barbie Imperial Carlo Aquino Trina Candaza

Barbie sa bintang na dahilan ng hiwalayang Carlo-Trina: Parang ‘yung mga tao gigil na gigil maging kabit ako ‘no? 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TILA nanggigigil si Barbie Imperial sa mga netizen na nagbibintang sa kanya …

Blind Item, Man Woman Fighting

Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Vhong Navarro Ogie Diaz

Ogie ibinuking: Vhong dineadma ng isang kaibigan

MA at PAni Rommel Placente SABI nga, kapag ang isang tao ay gipit o may …

Polo Ravales

Polo sobrang naiyak nang tamaan ng Covid ang buong pamilya

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 27 ay 40th birthday ni Polo Ravales. Supposedly, magkakaroon siya ng …

Sean de Guzman

Sean nakapagpundar na ng bahay at lupa

REALITY BITESni Dominic Rea SA magkasunod na buwan ay dalawang International trophy ang nasungkit ni Sean …

Leave a Reply