Thursday , September 29 2022

Direk Joel Lamangan, pressure sa susundang obra ni Lino Brocka

TAONG 1988, nang i-produce at ipalabas ng Special People Productions ni Boy De Guia (na kabilang ako), ng hinirang na National Artist for Film na si Lino Brocka ang pelikulang Macho Dancer.

 

Tinampukan ‘yun nina Daniel Fernando at Alan Paule, kasama si Jaclyn Jose na ipinakilala ang discovery ng Special People at ni Lino, na si William Lorenzo.

 

Bago ang shoot, ang rehearsal ng sayaw ng mga macho dancer ay sa Club 690 ni Boy Fernandez, na kinunan ang marami sa mga eksena ng pelikula.

 

Fast forward sa panahon ng Milenyo. At sa panahon ng pandemya, na nakikipaglaban ang sansinukob sa hindi nakikitang kaaway, ang virus o CoVid-19.

 

Ang nangarap noon na si Joed Serrano, na nahaling sa poster ng mga bida, dahil kay Alan na walang buhok sa kili-kili, gagawa siya ng proyekto na tatawaging Anak ng Macho Dancer.

 

Eto na nga ‘yun.

 

Sa ginanap na audition para sa magbibida sa proyekto, may napili na sina direk Joel Lamangan, kasama ang line producer na si Dennis Evangelista, ang producer ng Godfather Productions na si Joed at ang business partner niyang si Grace Ibuna.

 

Pero may kasabihan na kung hindi, ukol, hindi bubukol. Dahil sa ikalawang audition para sa susuporta, lumutang ang isang personalidad.

 

Kung hindi ba naman may kakambal na suwerte, numero 13 siya. Ang magic word na siyang naging rason para siya na ang mapili at pabalikin para sabihing sa kanya mapupunta ang bida role ay “innocence.”

 

Ang baguhang si Sean de Guzman ang masuwerteng nakasalo ng coveted lead role ng Anak ng Macho Dancer.

 

Si Sean ay member ng sing and dance boy group na Clique V, at kasama rin sa pelikulang Lockdown na si Joel din ang direktor at isa sa Video Call Boys na pinagbibidahan ni Paolo Gumabao.

 

Nang pumasok si Sean sa GameOver.ph, isinalang na agad siya sa pagsayaw at paggiling sa karakter bilang macho dancer.

 

Ang klasikong eksena noon na pinagsaluhan nina Daniel at Alan ay ‘yung nagba-bubble bath sila bilang highlight sa show sa isang gay bar.

 

Ayon sa premyado ring direktor na si Joel, hindi maiaalis ang pressure sa gagawin niya at susundang obra ni Lino. Alam naman niyang hindi niya ‘yun mapapantayan. Pero gagawin ang lahat para umangat ang isang Sean.

 

Sa pinagkatiwalaan naman ng orihinal na sumulat nito na si Ricky Lee na si Henry Quitain, ang istorya ng anak ay magaganap sa kasalukuyang panahon.

 

At ilan sa mga nagsiganap sa orihinal na proyekto ay siya ring gaganap sa mahahalagang eksena sa pelikula.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Pokwang

Pokwang nagpapatayo ng bonggang summer house para sa 2 anak

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPATAYO ang komedyanang si Pokwang ng tinatawag niyang summer house sa Bataan para sa …

GMA Kapuso stars tulong bagyong Karding

Kapuso stars namahagi ng tulong sa mga apektado ni Karding

I-FLEXni Jun Nardo NAKIPAG-BAYANIHAN ang Kapuso stars sa mga apektado ng Bagyong Karding. Nag-volunteer ang ilang Kapuso …

Blind Item, Man Woman Fighting

 ‘Provincial tour’ ni male star buking ni GF aktres

ni Ed de Leon NA-SHOCK ang isang aktres nang malaman niyang ang kanyang boyfriend na male …

Leave a Reply