Thursday , June 25 2026

Cebu COVID-19 patient tumalon sa bintana ng ospital patay agad

AGAD binawian ng buhay ang isang pasyenteng positibo sa COVID-19 matapos tumalon mula sa bintana sa ikatlong palapag ng Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC) sa lungsod ng Cebu, 8:20 am kahapon, Martes, 9 Hunyo.

 

Walang pang detalyeng inilalabas ang mga awtoridad bukod sa ang pasyente ay isang 48-anyos lalaking nauna nang dinala sa VSMMC matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19.)

 

Ayon kay P/Maj. Elisandro Quijano, hepe ng Abellana Police Station, agad nagresponde ang kanilang mga imbestigador sa lugar ng insidente ngunit pinigilan sila ng pamunuan ng VSMMC na pumasok sa bisinidad dahil pasyente ng COVID-19 ang biktima.

 

Dagdag ni Quijano, agad sumailalim sa cremation ang labi ng biktima.

 

Patuloy na iniimbestigahan ng pamunuan ng VSMMC ang insidente upang matukoy ang dahilan ng kaniyang pagpapatiwakal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mini-casino sa peryahan sa Bulacan at Pampanga, untouchables

Mukhang tigasin ang mga operator ng dalawang peryahan na matatagpuan sa Lias, Marilao, Bulacan at …

Camille Villar

Villar nanawagan
Mas matibay na seguridad, pinalawak na suporta para sa kalusugang pangkaisipan

NAGPAHAYAG si Senator Camille Villar ng matinding kalungkutan at pag-aalala kaugnay ng trahedyang pamamaril sa …

Multinational Village HOA DHSUD

DHSUD sinugod
Multinational Village residents nagsumbong kay Sec. Aliling Overstaying HOA officers patalsikin

SUMUGOD sa tanggapan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga residente …

Nartatez PNP

2 pulis timbog sa rape at pambubugbog ng misis

INARESTO ang dalawang aktibong pulis na may magkahiwalay na kaso ng rape at domestic violence …

Tacloban School Gun Shooting

Sa insidente ng pamamaril sa Tacloban
3 ESTUDYANTE NAPASLANG 20 PA NASAKTAN, SUGATAN
40 basyo ng bala nakuha sa crime scene

HATAW News Team TATLONG kabataang estudyante ang napaslang habang umakyat na sa 20 ang iniulat …