Thursday , June 4 2026

Former politician singer-actress Jade Ecleo may online concert sa fans and supporters

Naging active ang singing career ni former Dinagat Islands Vice Gov. Jade Ecleo noong 2010. In line of her album launch ay nagkaroon pa siya ng concert sa bukas pa noong Metro Concert Bar na dinagsa ng kanyang mga kaibigan at tagahanga kaya napuno talaga ang venue at marami ang bumili no’ng gabing ‘yun ng CD Album ni Jade na “Lumaban Ka, Just Jade.”

Nagkaroon din si Jade ng maraming TV and radio guestings at malakas ang naging benta ng kanyang album na included rin ang mga song na Kumapit Ka Lamang Sa Palad Niya, Paano Ba Ang Mag-isa, Kulang Pa Ba, Come In From Rain etc.

Last year naman ay naging aktibo si Jade sa ilang top rating teleseryes ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment.

By the way, sa hindi pagkakatuloy dahil sa COVID-19 pandemic ng PBMA General Conference na The Founders Night na magpe-perform dapat si Jade, magkakaroon na muna ng live singing entertainment online concert ang nasabing singer sa kanyang social media accounts ngayong May 16, Saturday, at 8:00 pm at handog niya ito sa kanyang co-officer sa PBMA, sa kanyang fans at lahat ng sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Mapapanood ang said live ni Jade sa tatlo nitong accounts sa Jade Ecleo 11, Avajade Java Lugtuecleo, at Jade B. Ecleo. Sa ganda ng boses at husay sa pagpe-perform ni Ms. Jade ay hindi lang kayo mae-entertain sa kanya kundi mag-e-enjoy ang lahat.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …