Thursday , June 4 2026

Sylvia at Papa Art, naibsan ang lungkot nang mayakap at makasama ang mga anak

AKALA namin noong pinauwi na ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez sa bahay nila pagkatapos gumaling sa Covid-19 ay okay na sila at makakasama na nila muli ang kanilang mga anak na miss na miss na nila, hindi pa pala.

Nagtataka kami dahil walang post ang aktres na magkakasama silang kumaing pamilya tulad ng nakagawian niya, iyon pala hindi sila puwedeng magkita-kita pa.

Nabanggit sa amin ni Papa Art na may rapid testing pang gagawin sa kanila nitong Lunes ng umaga at doon malalaman kung puwede na silang mag-donate ng plasma para sa Covid-19 patient. Tinanong kasi namin kung magbibigay sila.

“After the test malalaman kung puwede kami mag-donate ng plasma,” sagot sa amin ni Papa Art.

Nabanggit ding posibleng mag-positibo ulit ang pasyenteng gumaling na sa Covid-19, “Kahit patay na virus sa katawan minsan nade-detect pa dahil sa swab.”

At nitong Lunes ng hapon ay nag-post si Ibyang na kayakap na nilang mag-asawa ang mga anak.

“Praise and thank you GOD. After 1 month & 9 days, we can now hug, kiss, play, and eat together with our kids.

“Tandang-tanda ko ‘yong pakiramdam ko na di namin pwedeng malapitan, mayakap o mahalikan ang mga anak namin. Ang lungkot! Napakalungkot.

“Bilang isang ina, araw-araw dinudurog puso ko pag naiisip ko na posible naming nahawa mga anak namin. ‘Yan ang pinaka-kinakatakutan ko habang nakikipaglaban kami mag-asawa sa COVID. ‘Yan ang pinagdarasal ko araw-araw sa hospital bed ko na sana ‘wag mangyari.

“But today, I am grateful to GOD that He heard and answered our prayers. My husband and I are now okay and reunited with our children. Finally, nayakap na namin mga anak namin kaninang lunch. Yahoooo!

“Ang sarap-sarap ng pakiramdam!! Ang saya, saya. Thank you to our family, friends, ABS CBN family, Beautederm family, Sylvianians, Rialistic, Arjo’s angels, ArmaineLovers, Team Atayde and to all the fans and everyone who prayed for our recovery.

“But most of all, thank you to all the frontliners that took care of us and to those who continue to fight for everyone. It was not an easy fight but we won because of your unending prayers and love. And with the Grace and Love of GOD.

“Ngayon, haharapin namin ang buhay ulit nang magkakasama. At patuloy kong pinagdarasal na matapos na ang virus na to In JESUS name. #blessed #priceless #family #happiness #mygreatestloves

#healtheworldLORD #thankuLORD. Happy afternoon.”

Oo nga, hindi naman biro ang mahigit isang buwang hindi mayakap ang mga anak considering na nasa iisang bahay kayo. Lalo’t very close ang mag-asawang Art at Sylvia sa kanilang mga anak.

Mula sa pahayagang Hataw, congratulations papa Art at Ibyang, nakatagpo ng katapat si ‘veerus’ sa inyo in God’s will.

 

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …