IBINAHAGI ni Gabbi Garcia na natutuhan niyang mas mahalin ang sarili bago ang iba dahil sa role niya bilang si Sang’gre Alena sa Encantadia.
Sa kanyang latest YouTube vlog, inamin ni Gabbi na ang proyektong ito ang isa sa most memorable accomplishments niya sa entertainment industry dahil ito ang nagbigay sa kanya ng break.
“Grabe ‘yung growth na pinagdaanan ko, ‘yung progress ko as a person because of Enca,” ani ni Gabbi.
Sixteen years old lamang si Gabbi nang mag-audition para sa role ni Alena na originally played by Karylle.
Dagdag pa ni Gabbi, marami siyang napagdaanang ups and downs sa Encantadia at halos sabay silang nag-grow ng karakter nitong si Alena. Gaya ni Alena na nais lang makahanap ng mamahalin, later on ay natutuhang kailangan munang mahalin ang sarili bago ibuhos ang pagmamahal sa iba.
“You can’t just really give out all the love if you’re not ready, if you don’t love yourself,” saad ni Gabbi.
RATED R
ni Rommel Gonzales