Sunday , May 19 2024
PNP PRO3

Seguridad pinaigting ng PNP-PRO3 kontra COVID-19

INALERTO ng pamunuan ng PNP-PRO3 ang pulisya sa buong rehiyon hinggil sa pagpapaigting ng security operations kontra COVID-19.

Ayon kay P/BGen. Rhodel Sermonia, inatasan niya ang kanyang city at provincial directors na seguruhing maipatupad ang kaayusan sa kanilang area of responsibilities (AOR) at paigtingin ang kampanya hindi lamang kontra krimen bagkus ay sa kasalukuyang COVID-19 outbreak.

Sinabi ni Sermonia, simula noong Linggo, 15 Marso, ay naka-deploy na ang 100 pulis mula sa iba’t ibang unit upang magsilbing perimeter security sa New Clark City sa bayan ng Capas, sa lalawigan ng Tarlac para sa mga repatriates mula California na ipaku-quarantine ng Department of Health (DOH).

Kaugnay sa deklarasyon ng state of public health emergency ni Pangulong Rodrigo Duterte, iniutos ni Sermonia sa buong kuwerpo ng pulisya na maglatag ng simultaneous checkpoints sa rehiyon bilang pangangalaga sa kalusugan ng mga mamamayan laban sa paglaganap ng COVID-19 sa lugar.

Nagbabala ang DOH Central Luzon at kinom­pirmang apat ang kaso ng COVID-19, na ang isa ay pumanaw na.

Dagdag ni Sermonia, handa ang pulisya na uman­tabay sa panahon ng krisis pangkalusugan ngunit kikilos nang naaayon sa dispo­sisyon ng Department of Health.

Sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensiya at ng Central Luzon PNP ay nag­palabas sila ng mga alitun­tunin hinggil sa paglalatag ng checkpoint operations kaugnay ng COVID-19 upang maiwasang mag-panic sa halip ay maunawaan ng mga mamamayan.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *