Friday , May 24 2024

Bistek, puring-puri ni Liza — para siyang tatay sa akin

SA mediacon ng teleseryeng Make it with You ay iprinisinta ni dating Quezon City Mayor Herbert Bautista na maging ninong sa kasal nina Liza Soberano at Enrique Gil kaya naman nagkakatuksuhan na ang lahat sa magsing-irog.

Ginagampanan ni Herbert ang role na tatay ni Liza bilang si Billy at nakuwento ng dalaga na sobrang maalaga sa kanila si mayor.

Hmm, hindi pa man ipinararamdam na ni Bistek ang pagiging ninong niya sa LizQuen.

Kuwento ni Liza sa set visit ng Make it with You sa Mother Ignacia Building.

“Si mayor para rin siyang tatay sa akin like noong nagkasakit ako tinanong niya ako like, ‘anong ginagamit mo ‘pag maysakit ka?’ so nagsabi ako, akala ko he was (just) asking tips for himself.  Kinabukasan sa taping nagulat ako, kompleto ang dami niyang dalang gamot para sa akin,” nakangiting kuwento ni Liza.

At hindi lang ‘yun, ipinagamit pa ni Bistek ang private security niyang hagad para samahan sila Liza sa event nito sa BGC kamakailan.

May event po ako sa Samsung nasa taping po ako tapos sumegue po ako, ipinahiram niya po sa akin ‘yung hagad niya kasi hindi po ako talaga aabot kung wala akong assistance (sa daan) and he’s very caring,” sabi ni Liza.

Dagdag naman ni Enrique, “at saka lagi pong may pakain sa set.”

“Opo, laging may pa-lechon at kung ano-ano pa kaya po walang pumapayat sa amin sa set,” saad ng aktres.

Inamin din ng LizQuen na kukunin naman talaga nilang ninong si Mayor Bistek kapag nagdesisyon na silang lumagay sa tahimik.

Nabanggit pa ni Liza, “actually masuwerte ako lahat ng nagiging dad ko sa mga show ko sobrang nagiging close ako, actually si tito Joey Marquez, ninong ko siya sa baptism (kumpil).

Hindi lang naman si Bistek ang ikinuwento ng LizQuen, maging sina Ian Veneracion na ama ng aktor at Pokwang na tiyahin niya sa MIWY.

Ani Enrique, “siyempre si mama Poks grabe ‘yung light na dinadala niya sa set at saka ‘yung mga eksena namin bilang si tita Jessica very eccentric, very artsy medyo on the edge siya palagi at least nalalabas ni mama Poks ‘yung husay niya sa pag-arte at sa pagiging comedienne niya. Si papa Ian naman po, he’s really cool guy I mean and I really (have) fun with him and walang yabang, super chill, mabait.”  

Dagdag ni Liza, “and he (Ian) knows what he’s doing alam mong matagal na siyang artista sobrang galing niya.”

Ang sarap kausap nina Enrique at Liza dahil napaka-articulate nila at masayahin at ramdam mong walang yabang sa dalawa kaya pala lagi silang pinupuri ng mga ka-trabaho nila at mahal na mahal sila ng kanilang supporters dahil personal nilang nakakausap lahat.

Sayang kinapos na ng oras at kailangan na ulit nilang bumalik sa taping dahil may hinahabol silang oras.

Samantala, mataas ang ratings ng Make it with You na hindi aware ang LizQuen dahil hindi nila inaalam ang rating basta ang naririnig at nababasa lang nila ay maganda ang show mula sa mga sumusubaybay nito gabi-gabi sa ABS-CBN pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Joel Cruz at mga anak rumampa sa Filipinxt Fashion Show sa NY

MATABILni John Fontanilla HINDI malilimutan ni Lord Of Scents at CEO & President ng Aficionado Germany …

Beaver Magtalas Mutya Orquia

Beaver sa pagpasok sa isang relasyon: gusto ko handa na ako

MA at PAni Rommel Placente SA nagdaang Star Magic Prom 2024, na ginanap sa Bellevue Hotel noong …

Albie Casino

Albie proud maging ama, iba ang sayang naramdaman

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila nina Mama Loi at Dyosa Pockoh na Showbiz Update, na …

Jeraldine Blackman Anna Magkawas

Jeraldine Blackman may espesyal na diet

RATED Rni Rommel Gonzales ANG Blackman family ay pamilya ng content creators na naka-base sa Australia. Ito …

Caris Manzano Aica Veloso JD Aguas Jenn Rosa

Caris Manzano nagka-trauma, tinangkang halayin ng amain

RATED Rni Rommel Gonzales TRAUMATIC para sa Vivamax actress na si Caris Manzano ang attempted sexual harassment sa kanya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *