suicide jump hulog

Koreano nahulog sa 18th floor gutay-gutay

HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang Koreano nang mahulog  sa ika-18 palapag ng isang condominium  sa Taft Avenue, Maynila kahapon.

Dakong 12:00 am nang madiskubreng naka­handusay sa  loob ng compound ng isang unibersidad ang biktima na inaalam pa ang pag­kakakilanlan.

Masusing imiimbes­tigahan ng pulisya kung may nangyaring foul play, aksidente o sinad­yang magpa­kamatay ng biktima na tinatayang nasa edad 40 pataas.

Sa report ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bagong lipat ang biktima kaya hindi pa siya kilala ng mga nakatira sa nasabing condo na katabi ng hindi binanggit na unibersidad.

Aalamin ng awto­ridad ang mga CCTV sa lugar upang malaman kung may kasamang pumasok ang biktima sa compound.