Wednesday , April 24 2024
dead gun police

Holdaper ng bank teller, patay sa enkuwentro

PATAY noon din sa pinangyarihan ang  holdaper na riding-in-tandem habang nakata­kas ang kanyang kasa­ma sa naganap na shootout matapos hol­da­pin ang isang bank teller sa Quezon City, nitong Martes ng madaling araw.

Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/BGen. Ronnie Montejo, inilarawan ang napatay na holdaper na may taas na 5’1, slim build, fair complexion, may tattoo na RAD somo, VICTOR, Ely Roy, at Sputnik sa iba’t ibang bahagi ng katawan, nakasuot ng itim na T-shirt, grey pants, red slippers, itim na mask at arm sleeves.

Sa imbestigasyon, ang shootout ay naganap dakong 12:45 am, 7 Enero, sa Phase 2 Lupang Pangako, Brgy. Payatas B, Quezon City.

Bago ang insiden­te, hinoldap ng suspek at kanyang angkas sa motorsiklo ang biktimang si Rachelle Plaza Pardillo, 21, bank teller sa Banco De Oro (BDO) at residen­te sa Phase 3, Blk. 7, Lot 836, Lupang Pangako, Brgy. Payatas, QC.

Nagkataong nagpa­pa­trolya ang mga tauhan QCPD  Batasan Police Station 6 kaya mabilis na nagresponde, hinabol ang mga papatakas na suspek at nagkaroon ng “running gun battle” na nagresulta sa pagka­matay ng isa habang nakatakas ang kanyang kasama.

Nabawi ng pulisya ang mga personal na gamit ng bank teller, kabilang ang mga ATM card nito, P4,697 cash at iba pang kagamitan.

Nasamsam ng SOCO team sa crime scene ang isang Yamaha Mio na walang plaka, caliber .38 revolver, mga bala ng kalibre .45 at 9mm baril.

Pinuri ni Gen. Montejo ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni P/Lt. Col. Romulus Gadaoni, hepe ng QCPD Station 6 sa mabilis na pagres­ponde sa nangyaring holdapan.

Nagpahayag din ng kalungkutan si Gen. Montejo dahil imbes sumuko ang suspek sa mga awtoridad ay lumaban pa.

“Ikinalulungkot po natin na imbes sumuko ay humantong sa paki­kipagbarilan sa mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga suspek. Nawa’y magsilbing babala ito sa mga gumagawa ng ilegal o masasama at sana ay baguhin na rin nila ang kanilang buhay ngayong Bagong Taon,” giit ng QCPD chief. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *