Wednesday , August 10 2022

Joem Bascon, masayang maging bahagi ng MMFF 2019 ang Culion

MASAYA si Joem Bascon sa pagkakasali ng kanilang pelikulang Culion sa 2019 Metro Manila Film Festival na magsisimula na sa December 25. Mula sa pamamahala ni Direk Alvin Yapan, ito’y pinagbibidahan nina Iza Calzado, Meryll Soriano, at Jasmine Curtis-Smith.

Mula sa panulat ni Ricky Lee at prodyus ng iOptions Ventures Corp at Team MSB, ang Culion ay isang period film hinggil sa tatlong babaeng may Hansen’s disease mas kilala sa tawag na ketong na sina Anna (Iza), Ditas (Meryll) at Doris. Sila’y pinagbuklod ng kanilang mga karanasan sa buhay noong panahong ang nasabing sakit ay pinandidirihan pa.

Ang papel ni Joem sa pelikula ay si Kanor, isang mangingisda na matagal nang nakatira sa Culion, manliligaw siya ni Iza.

Ipinahayag ni Joem ang kaga­lakan na nakapasok ang Culion sa MMFF. “Siyempre, isang honor, isang privilege ang makapasok sa MMFF. Ang hirap na ngayong makapasok, hindi ba? Lagi namang mahirap, laging mayroon ‘yung sa selection committee… may hinahanap sila talagang theme, kaya mahirap, talaga.

“At least, sa Pasko, kasama ang Culion sa mga hinahanap nila ngayong taon para maipakita or i-showcase ang mga pelikula natin.”

Idiniin din ng aktor na normal lang ang ginawa niyang atake sa papel niya rito bilang taong may ketong. “Well, normal lang naman siya. Inilagay lang ‘yung prosthetics… iyon nga ‘yung sinasabi nila, kahit na mayroon kang Hansen’s disease, normal ka pa ring tao, e. Wala naman epekto talaga sa pakikitungo sa kapwa mo tao. At nagkakaroon lang talaga siya ng… nagiging mainit lang ‘yung kanilang pakiramdam dahil sa gamot na inilalagay sa kanila.

“Kaya, ‘di ba, sinasabi nilang maraming nagkakaroon ng anak sa Culion kasi very active ‘yung body nila. Kasi, iyon ‘yung cure nila na inilalagay.

“Noong unang panahon, ipinapasok talaga ang needle para mapatay ‘yung bacteria kung nasaan ‘yung sugat and then kumakalat sa buong katawan ‘yung init, so, nagiging active sila. Pero ngayon, may tablet na,” aniya.

Incidentally, dalawa ang entry ni Joem sa 2019 MMFF, ang Culion at ang Write About Love na parehong-pareho raw ang exposure niya. Nagpaalam naman daw si Joem na sasakay siya sa dalawang float, kumbaga, lalagari siya sa parade of Stars.

Kasama rin sa Culion sina  Suzette Ranil­lo, Mark Liwag, Simon Ibarra, Lee O’Brian, Joel Saracho, Mai Fanglayan, Nico Locco, Yam Mercado, Upeng Fernandez, Erlinda Villalo­bos, Mayen Estanero, Aaron Concep­cion, Nikko Delos Santos, Rex Lantano, Jay Garcia, Elle Velasco, Jack Love Falcis, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Isko Moreno Domagoso Family Paris

Yorme Isko muntik mabudol sa Paris

COOL JOE!ni Joe Barrameda MAY kumakalat na tsismis na kesyo nabugbog daw ang dating Manila …

Sharon Cuneta Cherie Gil

Sharon ‘nawala’ sa sarili nang pumanaw si Cherie

MA at PAni Rommel Placente SOBRANG  close si Sharon Cuneta kay Cherie Gil.  Kaya naman labis ang pagdadalamhati …

Cherie Gil Eigenmann

Gabby, Sid, Andi, Max may kanya-kanyang tribute kay Cherie

I-FLEXni Jun Nardo PATULOY pa rin ang pag-aalala ng pamilya, kapwa artista, at kaibigan sa …

Newcomer matagal niligawan ni talent manager

ni Ed de Leon INAAMIN ng isang newcomer, matagal daw siyang niligawan ng isang talent manager at production …

Michael de Mesa Cherie Gil

Michael sobra ang iyak, grabe ang pagmamahal kay Cherie

HATAWANni Ed de Leon HINDI raw napigilan ni Michael de Mesa ang umiyak kahit na siya ay …

Leave a Reply