Thursday , June 4 2026

Kayla, miracle sa buhay ni Mon

SA mediacon ng lahok na pelikula ng Viva Films sa darating na MMFF 2019, ang Miracle in Cell no. 7, na adaptation ng isang Korean movie, isa-isang tinanong ang mga bida sa pelikula kung anong himala ang naganap na sa mga buhay nila.

Ang nakilala sa pagiging kontrabidang si Mon Confiado na gumaganap sa katauhan ni Choi ay nagbahagi ng himalang dumating sa buhay niya. Isang bata!

Wala naman akong anak. Kasi nga, noong kami ni Ynez (Veneracion), talagang ayaw ko ng anak, eh. Noong maghiwalay kami, nagkaroon na siya ng bagong karelasyon, nagka-anak. Si Kayla. And she turned my world around. Parang ako ang naging second Dad nito. Madalas kami nag-uusap. And kapag umaalis si Ynez, like ngayon may volleyball game sila ng friends niya, ako ang nagbabantay kay Kayla.

Miracle para sa akin ‘yun kasi, ang daming nabag o sa buhay ko ng batang ‘yun. Tama, the child that could have been mine. Pero kami ni Ynez, we are more comfortable with our friendship now. Nagsasabihan pa rin naman kami ng mga nangyayari sa mga buhay namin.

“Kung kami pa rin sa dulo, hindi ko masasagot. Ngayon, wala naman akong girlfriend. Hindi ko nga iniisip. Eh, para na rin kasi akong may anak. Yes, kilala ko naman ang Dad ni Kayla (Toto Mangundadatu). Nag-meet naman na kami. Kaya naka-relate ako sa istorya nitong ‘Miracle…’ kasi tungkol sa pagmamahalan ng mag-ama. Angkop para sa Christmas Season!”

Simple lang ang pangako ng bidang si Aga Muhlach sa kanilang pelikula, “We won’t fail you!”

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …