Saturday , April 20 2024

SEA Games opening inspirasyon sa Palasyo

TALAGANG nakai-inspire.

Ito ang inihayag ng Palasyo sa mga atletang Filipino na nakasungkit na ng gintong medalya sa ginaganap na 30th Southeast Asian Games ( SEAG) sa bansa.

Hindi maikakaila, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, maganda ang naging preparasyon ng mga atletang Pinoy.

Sinabi ni Panelo, walang substitute ang preparasyon sa anumang uri ng kompetisyon.

“We have to congratulate our Filipino athletes for that. Talagang nakai-inspire rin. Tsaka maganda ang preparation nila. There’s no substitute for preparation in com­petition,” ayon kay Panelo.

Linggo ng umaga nang sunod-sunod na makasungkit ng gintong medlya sina Agatha Wong sa Wushu; John Chicano sa men’s triathlon’ at Kim Mangro­bang sa women’s triathlon.

ni ROSE NOVENARIO

Inulan ng papuri, pinag-usapan
SEA GAMES OPENING
SINABING WORLD CLASS

OPISYAL nang binuksan nina Pangulong Rodrigo Duterte katuwang si boxing superstar at Senador Manny Pacquiao ang 30th Southeast Asian (SEA) Games na ginaga­nap sa bansa pasado 7:00 pm, nitong Sabado, 30 Nobyembre, sa Philippine Arena sa Bocaue, Bula­can.

Sa umpisa ng pro­grama ay napa-wow agad ang marami sa pagkanta ni Lani Misalucha ng pambansang awit na Lupang Hinirang.

Sinundan ito ng makapanindig balahi­bong mga pagtatanghal na binalot din ng napa­kagandang mga Filipino costumes ang bawat produksiyon.

Nagbigay sigla ang word-class Pinoy artists na sina Robert Seña, KZ Tandingan, TNT boys, Jed Madela, Iñigo Pascual, Elmo Magalona at iba pa.

Maging ang miyembro ng Black Eyed Peas na si Apl de Ap ay nag­paun­lak sa kasiyahan at hindi nakalimot na isa siyang Filipino.

Dumagdag pa rito ang Francis Magalona medley na talaga namang nasabayan nang halos lahat ng mga manonood at damang-dama nila ang pagiging Filipino habang pinanonood at nakiki­kanta rito.

Nang pumasok ang Philippine delegation at mga atleta, sinabayan ito ng kanta ng Hotdog na “Manila” kung saan makikita si Pangulong Duterte, habang katabi ang Sultan ng Brunei at Prime Minister Hassanal Bolkiah, na napapaindak at pumapalakpak pa.

Litaw din ang gan­dang Filipina na pinangu­nahan nina Megan Young, Precious Lara Quigaman, at Pia Wurtzbach na naging mga lakambini ng bawat bansang kalahok.

Dahil dito, inulan ng papuri ang opening ng SEA Games, hindi lang mula sa mga kababayan natin kundi maging sa mga taga-ibang bansa.

Hindi umano nila inaasahang magiging napakaganda, napaka­husay at napakaayos ng kalalabasan nito.

Ang ilan, sinabing naging emosyonal sila habang nanonood dahil kitang-kita kung gaano natin ipinagmamalaki ang ating lahi at kultura.

Sa tuwa ni Pangulong Duterte ay inatasan niya ang mga organizers ng SEA Games na bigyan ng complimentary tickets sa 56 sports ang mga kababayan na gustong manood nito.

(MICKA BAUTISTA)

About Rose Novenario

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *