Sunday , August 14 2022

Sherilyn, thankful kay Ms. Rhea Tan sa suporta sa kanyang Beautederm store

ANG BeauteDerm CEO na si Ms. Rhea Tan ang nagsilbing inspirasyon kay Sherilyn Reyes para mag-put up na rin ng sarili niyang BeauteDerm store. Pag-aari nilang dalawa ng anak na si Hashtag Ryle Santiago ang 95th store ng Beautéderm na matatagpuan sa lower ground ng Robinson’s Antipolo, ang Beautetalk by Beautederm.

Nagbalik-tanaw si Sherilyn sa pagsisimula niya sa Beautederm. “Bale, last year nang ako ay nag-photo shoot at pinapirma ni Ms. Rei ng two year contract. Matagal ko na siyang kaibigan prior, nagpapadala siya sa akin ng products niya. Sineryoso kong gamitin a month prior to my signing. Noong nakita niyang masaya ako at talagang naniniwala sa produkto niya, saka niya ako inalok na maging ambassador. She wants ambassadors who believe in the brand.

“Maganda ang plataporma ng aming Pres/CEO na si Ms. Rei, kasama sa kontrata ang negosyo package. Noong minention ni Ms. Rei sa ambassadors ‘yung nag-open na space sa mall and location and asked sino interesado. I thought of discussing it with my husband and checking out the place. Marami na nauna sa akin na mega distributors na nakapagbukas at nakai-inspire talagang makapagbukas din ng sarili because the business side is lucrative. Puwede pa rin po sila mag-order online sa @beautetalkbybeautederm sa IG at Beautetalk with Sherilyn sa FB.

“Kitang-kita naman ang resulta, talagang ‘di niya sino-short change ang mga tumatangkilik sa brand. Napaka-epektibo. Maaaring sabihin na nagsisinungaling ako pero halos lahat ginagamit ko. Nakailang post na ko ng videos ng mga ginagamit ko araw-araw. From the beaute set to the CC creme, beaute tint, Barely There to Back to Bare to Ultralite soap, tres and brisq lotions, Japanese scrub, underarm set, beaute masque, cristaux, purifie, jeune, bug me not and don’t bug me, Reverie home products, purete, beaute balm, au revoir, soleil spray, visage, hand sanitizer, slender sips coffee, blanc, ‘yung cradle and cuddle cologne sa amin ni Eia, the boys wear the perfume line ni Arjo,” mahabang esplika niya.

Gaano ka-supportive si Ms. Rei sa store ninyo? “I only have good words for Ms. Rei. She goes beyond her role as the owner of Beautederm. Talagang inanamin siya. She makes sure na hindi ka lang ambassador but she offers also a good future because may option ka to put up your own store at hahawakan at aalalalayan ka niya all throughout. ‘Di ka n’ya bibitawan. Even ‘yung mga grand opening, imagine ilan kaming ambassadors na binabayaran niya, mas malaki pa gastos niya kaysa sa gastos ng store owner. Abonado pa siya palagi, but she makes sure na happy lahat.

“Kaya kaming ambassadors laging ganado at ayaw na maghiwa-hiwalay. She knows how to love, kaya you would love to give back din. She appreciates your efforts, big and small ones,” saad ni Sherilyn na mapapanood soon sa advocacy movie na Amir kasama ang kapwa ambassadors ng BeauteDerm na sina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply