Sunday , May 19 2024

Lovi at Joem, pasabog ang mga steamy, intimate scene sa The Annulment

MARAMI ang nagulat sa kasama na si Rhian Ramos sa mga steamy, intimate scenes nina Lovi Poe at Joem Bascon sa pelikulang The Annulment na idinirehe ni McArthur Alejandre, mula Regal  Entertainment at palabas na sa mga sinehan simula ngayon

Isa si Rhian sa mga kaibigang sumuporta kay Lovi.

Anang aktres, “nagulat ako sa mga sexy scene, kasi grabe, sexy talaga. Akala ko nakita ko na lahat sa trailer, hindi pala dahil mas maraming sexy scenes ang mapapanood pa sa pelikula.

Ginulat nga ni Joem ang mga nanood sa advance screening ng The Annulment noong Lunes ng gabi sa SM Cinema, SM Megamall. Sa isang lovescene nila ni Lovi ay biglang ipinakita ang kanyang buong kahubdhan kasama ang kanyang puwet. At top shot iyon ha na nasundan pa ng muling pagpapakita ng butt.

As expected hiyawan sa tagpong iyon. At siyempre hindi naman nagpahuli si Lovi dahil talagang nakipag-eskrimahan din siya sa matindi nilang halikan ng actor.

Sa naunang interview kina Lovi at Joem, sinabi nilang medyo na-awkward sila sa mga matitinding lovescene kasama na roon ang awkward position. Pero hindi iyon ang nakita namin. Nabigyan nila ng justification ang kagustuhan ni Direk Mike na maipakita kung gaano sila ka-inlove sa isa’t isa.

Napaniwala nila ang viewers na mahal na mahal nila ang isa’t isa. Na iyon naman ang mensaheng ipinahahatid ng pelikula. Na-inlove si Lovi kay Joem bagamat malayo ang agwat ng estado ng kanilang buhay. Mayaman si Lovi, simpleng waiter at mekaniko lamang si Joem. Pero dahil mahal niya si Joem, sinunod niya ang kanyang puso. Sabi nga niya, ‘lintek na love ito.’ Hanggang nagsama at nagpakasal. Sa pagsasama nila’y si Lovi ang mayroong magandang career, samantalang si Joem, pilit na tinutulungan ni Lovi para maiangat ang sarili, hindi naman tinutulungan ng may katawan. Pinag-aaral siya, binibigyan ng trabaho pero iba ang naging dating sa lalaki.

Hanggang sa nagkaroon ng karelasyon si Joem, si Myrtle Sarrosa at doon na sila nagkaroon ng problema.

Maging si Myrtle ay nanggulat din na tila obsess kay Joem para makipag-sex sa kanya.

Hindi lang ang mga daring scene ang dapat abangan sa pelikulang The Annulment. Makikita rin dito kung gaano kahirap ang dumaraan sa pagsasampa ng annulment.

Mapupuri rito si Lovi dahil talagang ibinigay niya nang todo ang hinihingi ng kanyang karakter gayundin si Joem na hindi rin naman kuwestiyon ang galing sa pag-arte.

Bukod kina Lovi, Joem, at Myrtle kasama rin sa The Annulment sina Laura Lehmann, Erika Padilla, JC Tiuseco, Dianne Medina, Manuel Chua, Nico Antonio, Matt Daclan, Nikka Valencia, Jon Leo, Naya Amore, Johnny Revilla, at Ana Abad Santos.

Panoorin ang The Annulment sa mga sinehan simula ngayong araw.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *