Friday , August 12 2022
Thea Tolentino
Thea Tolentino

Thea Tolentino, gustong mag-ala Meryl Streep

SIYAM na beses nang nagkokontrabida si Thea Tolentino sa telebisyon at sa tanong namin sa kanya kung hindi ba siya napapagod ay hindi naman daw.

“Kasi parang outlet din siya sa mga bagay na hindi mo puwedeng gawin sa totoong buhay.”

Tulad ng? ”Na ano, laging galit,” at tumawa si Thea.

Sa tunay na buhay kasiy’y bihira siyang magalit at hindi siya nang-aapi at nananakit ng ibang tao na tulad ng kadalasang ginagawa niya sa harap ng kamera.

“Nakokonsensiya ako lagi agad.”

Ang mga GMA show na nagkontrabida siya ay ang Anna Karenina, Kambal SirenaThe Half SistersOnce Again, Hahamakin Ang LahatDestined To Be YoursHaplos, Asawa Ko Karibal Ko, at ang umeere ngayong Madrasta.

Sa Madrasta ay pangalawang beses na niyang gumanap na may anak (una ay sa Asawa Ko Karibal Ko), at walang kaso kay Thea na binibigyan na siya ng mother roles sa mga TV project niya.

“I don’t mind naman! Kasi rito ko rin nae-explore kung paano maging versatile. Hindi naman pwede forever tweetums.

“Puwede pa rin naman akong mag-tweetums, siyempre, pero siguro binibigyan ako ng mother roles kasi sila Jillian Ward, may ka-loveteam na, ‘di ba,” at tumawa si Thea.

Sa tunay na buhay ay dalaga si Thea at 23 years old pa lamang.

Hinuhulma ng GMA si Thea na maging primera contravida balang-araw, at sa Madrasta ay katrabaho ni Thea ang isa sa mga reyna ng mga kontrabida sa Pilipinas na si Gladys Reyes.

Ayon kay Thea, ibang-iba si Gladys sa harap ng kamera at kapag off-cam.

“Sobrang ang kulit! Lagi siyang may baong jokes, tapos sobrang hyper niya at sobrang professional.”

Idolo ni Thea si Gladys, ano ang natutuhan niya mula sa mahusay na aktres?

“’Yung kahit kontrabida, lahat ng ginagawa niya, nanggagaling talaga sa puso niya.”

Si Thea ba ay natsa-challenge pa sa mga ginagampanan niyang contravida roles. ”Natutuwa naman ako na lagi akong binibigyan ng contravida roles and isa sa challenges talaga sa akin is kung paano ko pag-iiba-ibahin talaga ‘yung atake.

“And recently, nakahihiya ako,” at tumawa si Thea, ”pero recently ko lang napanood ‘yung movies ni Meryl Streep.

“’Yung ‘Devil Wears Prada,’ first time kong mapanood and parang gusto kong maging ganoong klaseng kontrabida.”

(ROMMEL GONZALES)

About Rommel Gonzales

Check Also

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Clark Samartino

Clark Samartino handang harapin ang intriga sa showbiz

MATABILni John Fontanilla PROMISING ang kauna-unahang alaga ng  businesswoman na si Mommy Merly Peregrino na si Clark Samartino na …

James Reid Liza Soberano

James at Liza 2geder sa Hawaii

MATABILni John Fontanilla USAP-USAPAN sa social media ang litratong ipinost ni James Reid kasama ang kanyang talent …

Andrew Ramsay Derek Ramsay

Derek suportado pag-aartista ng kapatid na si Andrew 

RATED Rni Rommel Gonzales TINANONG namin si Andrew Ramsay kung ano ang pinakamagandang advise sa kanya ng …

Rhian Ramos Sam Verzosa

Rhian at Sam isang taon na ang relasyon 

I-FLEXni Jun Nardo ISANG taon na ang relasyon ng Kapuso artist na si Rhian Ramos sa businessman na si Sam …

Leave a Reply