Saturday , August 13 2022

Mary Joy Apostol at Akihiro Blanco, magpapakilig sa part-2 ng 12 Days to Destiny

AMINADO si Mary Joy Apostol na sobrang saya niya sa nangyayari sa kanyang showbiz career. Mula kasi nang nagbida siya sa pelikulang Birdshot ni Direk Mikhail Red na kau­na-unahang Pinoy movie na ipinalabas sa Netflix, nagkasunod-sunod na ang project ng aktres.

“Ang reaction ko po is super-happy talaga sa blessing and super-thankful sa mga nangyayari po sa career ko. Masasabi ko na malaki po ‘yung naging pagbabago ng kapalaran ko sa showbiz noong nagawa ko po ‘yung Birdshot, kasi po roon ko naipakita ‘yung talent ko and nai-share ko rin po sa iba.

Happy din si Majoy (nickname ni Mary Joy) na umabot sa 1.2 million views ang 12 Days to Destiny.

“Nagpapasalamat po kami na may bago kaming project ni Aki, ito bale ‘yung part 2 po ng 12 Days to Destiny dahil umabot sa higit one million views po ‘yung unang movie, kaya marami rin pong nag­re-request na viewers ng part 2.”

Ano ang reaction niya na sa YouTube ito napapanood, imbes sa sinehan or sa TV? “Siguro patok po kasi ngayon ‘yung mga viral video, sa panahon po ngayon marami na po ang gumagamit ng internet,” sambit ni Majoy.

Marami bang kargang pampakilig ang part-2? “Yes may kilig pa rin po, mas matured din po,” nakangiting wika pa ni Majoy.

Ang pelikula ay prodyus ni Mr. Robert Tan na Founder at CEO ng Blade Auto Center. Kasama rito ang original casts like Xander Pineda, Carissa Viaje at may mga bago rin daw na dagdag, ang direktor nito ay si CJ Santos.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Janine Gutierrez, Paulo Avelino

Rayver umamin nililigawan si Julie Anne

UMAMIN na ang Kapuso actor na si Rayver Cruz na nililigawan na niya ang Asia’s Limitless Star …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Baguhang male star naiskuran ni direk

ni Ed de Leon MATINO naman talaga nang pumasok sa showbusiness ang isang baguhang male star. …

Aga Muhlach

Happy birthday, Aga!

HATAWANni Ed de Leon ISIPIN ninyo, ngayong araw na ito, 53 years old na pala …

Lydia de Vega

Lydia de Vega ginupo rin ng cancer

HATAWANni Ed de Leon NAKALULUNGKOT ang mga balita nitong linggong ito. Naunang nabalita si Cherie Gil na …

Cherie Gil Alfred Vargas

Alfred wasak din sa pagkawala ng kaibigang si Cherie Gil

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA rin si Alfred Vargas sa sobrang naapektuhan sa biglang pamamaalam ng …

Leave a Reply