Wednesday , August 17 2022

Marissa Del Mar, sariling diskarte ang pang-angat ng career bilang talk show host-businesswoman

Time flies so fast at naka-one season na ang “World Class Kababayan” sa GMA News TV na hosted ni Ms. Marissa del Mar with her talented and pretty daughter na co-host niya na si Princess Adriano.

Nagsimulang umere noong July 27 this year ang nasabing Public Service program na napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado from 5:30 to 6:30 pm at mas malawak ang viewership nito ngayon at mas maraming OFW ang natutulungan ni Marissa gayondin ang mga successful nating kababayan roon na kanilang ipine-feature kasama ng kanilang guest na Kapuso star every episode.

At ‘yung pagiging talk show host ngayon ni Marissa ay sariling diskarte niya kung bakit siya kilala ng marami sa field na ito na kaliwa’t kanang parangal na ang tinanggap. Noong makita niya nauuso na ang bold films at nakagawa naman ng matitinong pelikula (local and international) na ang isa sa nakatambal niya ay si Sen. Lito Lapid ay nag-aral siya at kumuha ng business manage­ment.

Kaya aside sa pagho-host ng kanyang programa ay certified entrepreneur rin ang former actress at siya ang Ambassador ng Chanti Gem na inilunsad kamakailan at kabilang sina Marissa at Princess sa mga rumampa sa stage kasama ng ilang modelo.

Ang Chanti Gem na makabibili kayo ng mga stylish jewellery ay located sa bagong bukas na Ayala Mall sa Manila Bay. Ilan sa mga namataan sa okasyon ang former veteran Talk show host na si Johnny Litton at ilang socialite.

Nag-celebrate pala kamakailan ng kanyang kaarawan si Marissa at naghandog siya ng Medical Mission sa Laurel Batangas with Mayor Amo sa pakikipagtulungan ng Chinese General Hospital ni Mr. James G. Dy na very close sa TV host.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Maine Mendoza Art Atayde

Maine nakipagkulitan sa Papa Art ni Arjo 

MATABILni John Fontanilla MASAYANG ibinahagi ng awardwinning actress na si Sylvia Sanchez ang mga  photo ng bonding …

Marian Rivera Kathryn Bernardo

Kathryn naki-party sa birthday ni Marian

I-FLEXni Jun Nardo SPOTTED ang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo sa nakaraang 38th birthday celebration ni Marian Rivera. Ilan …

Ruru Madrid Bianca Umali Korea

Sweetness nina Ruru at Bianca sa Korea ibinandera

I-FLEXni Jun Nardo SUPER-FLEX sina Bianca Umali at Ruru Madrid ng kanilang lambingan sa South Korea. Pinasyalan ni Bianca …

blind item, woman staring naked man

Beteranang female star nakapag-take home ng bagets

ni Ed de Leon KINAUSAP daw ng barkada niya ang isang bagets na 23 years …

Iza Calzado pregnant

Iza nakahabol pa kahit sa huling byahe

HATAWANni Ed de Leon TIMING ang ginawang announcement ni Iza Calzado na siya ay buntis. Kaya namin …

Leave a Reply