Tuesday , May 28 2024

Sa bilyong investment sa casino… NBI hinimok tugisin utak ng scam

DAPAT tutukan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tunay na ‘utak’ sa halos isang bilyong investment scam na sinabing naga­nap sa loob ng isang casino sa Parañaque City matapos lumutang ang ilang mga nagpapakila­lang biktima ng nasabing modus.

Ayon sa abogadong si Ronald Renta, hindi dapat sayangin ng NBI at ng iba pang law enforcement agencies ang mga ebi­densiya na nagtuturo sa isang Marlon Muya na hinihinalang nasa likod ng nasabing investment scam.

Si Renta ay tagapag­tanggol ni Raymond Galang na kamakailan ay inaresto ng NBI kahit umano walang bitbit na warrant of arrest sa loob ng Okada Manila sa ka­song “attempted estafa” kaugnay sa nasabing scam.

Matapos ang inquest proceeding, si Galang ay pinayagang makapag­lagak ng P2,500 piyansa ng Parañaque City Pro­secutor’s Office para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Sa isang pahayag sa pamamagitan ng kan­yang abogado, iki­nalungkot ni Galang ang naganap na eskandalo nang siya’y sapilitang arestohin at kaladkarin ng grupo ng NBI Special Task Force (STF) sa loob ng Okada Casino noong 8 Oktubre 2019.

Ayon kay Renta, nag­karoon ng komosyon sa loob ng gusali dahil ang ginawang pag-aresto kay Galang ay hindi alin­sunod sa patakaran ng batas at wala rin uma­nong koordinasyon sa security office ng nasa­bing casino.

“Si Galang ay biktima rin dito dahil siya mismo ay nagpasok ng salapi kay Muya,” ani Renta.

Idagdag riyan, aniya, ang idinulot na labis na kahihiyan at depresyon na dinanas ng pamilya Galang sa pag-aresto sa huli.

Labis ang pagkades­maya ni Galang sa GMA-7 sa pagsasahimpapawid ng balita ibinase sa uma­no’y kuro-kuro ng mga nagpapakilalang biktima ng scam.

“Hindi man lamang po ako sinubukan kapa­na­yamin ng GMA-7 ha­bang ako ay nasa kusto­diya ng NBI. Bagkus, ipinakita nila ang ilang mga fictitious na tao na nagpapakilalang bikti­ma,” ani Galang.

Sa kuha ng GMA-7 news crew na ipinalabas sa 24 Oras at QRT noong nakaraang linggo, maki­kitang kinakaladkad ng mga tauhan ng NBI-STF si Galang habang sila ay mistulang inaawat ng mga security officers ng casino.

Ayon kay Renta, sinu­bukan nilang kausapin at sulatan ang pamunuan ng GMA-7 upang linawin ang isyu at ipaliwanag ang kanilang panig ngunit nabigong tumanggap ng kahit anong sagot sa news network na kilala sa kani­lang slogan bi­lang ”Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, walang kasinu­nga­lingan.”

Naniniwala ang panig ni Galang na mayroong ilang personalidad sa likod ni Muya na uma­no’y gumagamit ng poder at kapangyarihan upang iwasan ang kanilang mga responsibilidad sa kanilang investors.

Ang kaso ay nag-ugat sa panghihikayat sa mga indibiduwal na nagnanais kumita nang mahigit sa 15 porsiyentong tubo kapalit ng pagpapautang ng kanilang salapi.

About hataw tabloid

Check Also

052824 Hataw Frontpage

Para sa firetrucks at emergency medical equipment,
P2.88-B PONDO NG DILG-BFP IPINALABAS NI PANGANDAMAN

INIUTOS ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang agarang pagpapalabas ng kabuuang P2.880 bilyon sa …

052824 Hataw Frontpage

Ipinagkanulo ng nalaglag na belt bag  
‘GUNMAN’ SA LTO EXEC AMBUSH ARESTADO

ni ALMAR DANGUILAN ITINUTURING ng Quezon City Police District (QCPD) na lutas na ang pagpaslang …

Tacloban Leyte

Anti-government rally ng Maisug pumalpak

KINANSELA ng Maisug anti-government rallyists ang kanilang protesta sa Tacloban City sa Leyte province makaraang …

Drug den sinalakay MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Drug den sinalakay
MAINTAINER, 3 GALAMAY TIKLO

Sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lugar sa lungsod …

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

Designers, mga mananahi ng Gitnang Luzon target tulungan ng ‘Pustura’ Fashion Show ng DTI

MATAGUMPAY na idinaos ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pasinayang pagtatanghal ng ‘Pustura,’ …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *