Saturday , May 18 2024

Pelikulang Mindanao nina Juday at Allen, bahagi ng Busan Filmfest

MULING pinangu­nahan ng Film Develop­ment Council of the Philippines (FDCP) ang delegasyon sa Busan International Film Festival (BIFF) 2019 na nagsimula last October 3-12 sa South Korea. Patuloy ang FDCP sa momentum nito sa pagdala ng powerhouse line-up sa BIFF matapos ang magandang kinalabasan ng pagsali ng Philippine delegation dito bilang Country of Focus noong nakaraang taon.

Ang movie ni Direk Brillante Men­doza, isang Lav Diaz film, isang inter­nationally-acclaimed film na magrere­presenta ng Filipinas sa Oscars at new wave independent films ang bubuo sa Philip­pine entries for screening, world premiere at competition ngayong taon.

Kabilang sa Icons Category ang Mindanao ni Direk Brillante na tinatampukan nina Judy Ann Santos at Allen Dizon. Dito’y rumampa ang mga bidang sina Juday at Allen. Kabilang din sa category ang Ang Hupa ni Direk Lav, starring Piolo Pascual, Shaina Magdayao, at Joel Lamangan.

Para sa A Window On Asian Cinema, tampok ang Lingua Franca na isinulat, inedit, idinirek, at pinagbidahan ni Isabel Sandoval. Ang Verdict, na idinirek ni Raymund Ribay Gutiererez at pinagbibidahan nina Max Eigenmann at namayapang Kristofer King.

Para naman sa New Currents category, mag-i-international premiere ang Cinemalaya 2019 Best Picture na John Denver Trending. Dadalo rito ang direktor na si Arden Rod Condez, kasama si Meryll Soriano at ang Cinemalaya 2019 Best Actor na si Jansen Magpusao.

Para sa Wide Angle (Asian Short Film Competition), lalaban ang pelikulang Basurero ni Direk Eileen Cabiling. Tampok dito sina Jericho Rosales, Althea Vega, at Soliman Cruz.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *