Tuesday , May 7 2024

Millennials relate much sa Ang Henerasyong Sumuko Sa Love (Palabas sa mahigit 130 cinemas nationwide)

Marami na kaming napanood na barkada movie pero itong Ang Henerasyong Sumuko Sa Love ni Direk Jason Paul Laxamana ang masasabi naming totoong-totoo, at walang inhibitions sa bawat kuwento ng magkakaibigang sina Jane Oineza, Tony Labrusca, Jerome Ponce, Albie Casino at Myrtle Sarrosa.

Akma rin ang kuwento nito sa bawa’t isa sa atin. Kaya relate much ang lahat ng mga nanood ng red carpet premiere last Monday sa SM Megamall Cinema 7. Malinaw na ipinakita sa pelikula ang istorya ng magkakaibigan na kahit nag-aaway-away dahil sa kani-kaniyang katu­wiran ay hindi rin nila natitiis ang isa’t isa sa huli dahil nagdadamayan sila sa problemang kinakaharap.

Ang husay ng performance dito ni Jerome Ponce bilang gay busi­ness­man na effortless ang pag-arte. At aliw ang lahat sa sexy dance ni Jerome na sinasayawan si Anjo Damiles na gusto niyang maging boyfriend sa pelikula.

Consistent ang galing ni Jane Oneiza sa pag-arte bilang hardworking vlogger dahil may gustong patunayan sa sarili at tapatan at kabugin ang bagong nobya ng ex-boyfriend na si Thia Tomalla.

Si Myrtle, na isang promodizer ay takot sa commitment kaya lagi silang nag-aaway ng boyfriend niyang si Albie na isang old soul at naiiyak kapag nakapapanood ng romcom.

At si Tony Labrusca ay single at kahit gustung-gusto niyang magka-girlfriend ay hindi niya magawa dahil mas prayoridad niya ang work dahil sa responsibilidad na ibinigay ng mother. Kaya nag-focus siya sa trabaho niya hanggang tamaan ng depresyon at muntikan nang mag-suicide.

Marami sa atin ang dumaranas ng depression kaya’t very timely ang kuwento. The movie is well-acted. The stars were able to deliver what is expected of them. The movie is also entertaining.

Palabas na ito sa more than 130 Cinemas nationwide and as we heard it’s doing well in the box office.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Check Also

Francine Diaz Orange and Lemons

 Francine, Orange and Lemons nagkapaliwanagan nagka-ayos 

MATABILni John Fontanilla NAGKAHARAP na noong Biyernes sina Francine Diaz, Clem Castro ng Orange and Lemons kasama ang kani-kanilang managers …

Deniece Cornejo Cedric Lee Zimmer Raz

Deniece mas maayos ang kalagayan kompara kina Lee at Raz

SI Deniece Cornejo tahimik na sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong. Mas maayos naman ang kalagayan …

Vhong Navarro Cedric Lee Deniece Cornejo

Cedric, Deniece guilty sa mga kasong isinampa ni Vhong

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAHATULAN ng guilty beyond reasonable doubt sina Cedric Lee at Deniece Cornejo sa kasong …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz 2

Bea nagsampa ng mga kaso laban kina Cristy at Ogie

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGHAIN si Bea Alonzo ng tatlong magkakahiwalay na criminal case at cyber …

Bea Alonzo Cristy Fermin Ogie Diaz

Bea Alonzo naghain ng kasong cyber libel vs Cristy Fermin, Ogie Diaz

SINAMPAHAN ng tatlong magkahiwalay na cyber libel sa Quezon City Prosecutor’s Office ni Bea Alonzo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *