Wednesday , October 5 2022
Angeles City Vice Mayor Vicky Vega, Beautéderm COO Sam Tan, Rei Tan, Marian Rivera-Dantes, Angeles City Mayor Carmelo ‘Pogi’ Lazatin Jr., and Beauteederm Ambassador Reina Manuel.

Marian Rivera at Rhea Tan, pinangunahan ang opening ng flagship store ng BeauteDerm

TULOY-TULOY ang paghataw ng Beautéderm Corporation sa merkado, sa pagbago ng maraming buhay at sa pag-beautéfy nang ‘di mabilang na mga tao sa grand opening ng flagship store nito located sa second level ng Marquee Mall sa Angeles, Pampanga.

Present ang BeauteDerm President and CEO na si Rhea Anicoche-Tan at Marian Rivera, na inilunsad noong nakaraang taon bilang Face of Beautéderm Home, sa blessing ng kanilang flagship store last week na dinaluhan ng loyal customers ng brand, ng resellers, ng distributors, at mga miyembro ng mainstream press at pati na rin ng mga tagahanga ng Primetime Queen ng Kapuso network.

Pinasaya ni Marian ang marami, na nagkaroon pa ng meet and greet sa activity area ng naturang mall. Endorser si Marian ng Reverie by Beautéderm Home – na isang exquisite line of home scents na kinabibilangan ng soy candles, room sprays, at linen sprays, na lahat ay nilikha ng Beautéderm sa pakikipagtulungan kay Marian upang maging mas komportable ang bawat tahanan.

Sa paglipas ng panahon, naging matalik na magkaibigan sina Rhea at Marian.

“Bukod sa isa si Marian sa aming top celebrity endorsers at ang association niya with the brand ay talagang nakatulong sa pag-boost ng sales ng aming mga produkto, siya rin ay aking pinakamamahal na kaibigan,” sabi ni Rhea. “Masarap katrabaho si Marian at isa rin siya sa sweetest and most caring friend anyone could ever hope for. Proud at grateful na kasama namin siya sa Beautéderm team.”

Si Marian naman ay tuwang-tuwa na maging bahagi ng lumalaking pamilya ng Beautéderm. “I feel blessed at honored din sa tiwala na ibinigay sa akin Rei para i-represent ang Beautéderm Home. Ang aking partnership sa Beautéderm ay isa sa pinakamaganda at nakatataba ng puso dahil para na kaming magkapatid ni Rei. Pamilya ko na ang buong Beautéderm staff,” saad ni Marian.

Noong 2009 ay nagtrabaho si Ms. Rhea bilang Vice President for marketing ng isang malaking appliance company. Nabuo sa kanyang isip ang isang creative business idea gamit ang P3,000 start-up capital. Ang ideya na ipinanganak sa puso at isipan niya ay kinakatawan ng kanyang prinsipyo sa buhay na nagsisimula ang kagandahan sa pag-aalaga sa ating mga sarili at kapag ito ay ating ginawa, tayo ay magiging mas malusog at maka­pagpapa­mal­as tayo ng kaganda­han ‘di lamang sa pan­la­bas ngu­nit sa pan­loob din.

Ipina­nganak ang Beauté­derm Cor­poration sa ka­gus­tuhan ni Ms. Rhea na i-beautéfy ang bansa sa pamamagitan ng mga dekalidad na produkto na nagbibigay ng pinakamabilis, pinaka-epektibo, at most sustainable na resulta, na hinaluan pa ng kanyang unwavering commitment sa hardwork at perseverance, at kanyang pananampalataya, ang dating simpleng online distribution business ay unti-unting lumaki bilang isa pinakamatagumpay na negosyo na nagsimula sa Angeles.

Mahalaga para sa Beautéderm ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga FDA Notified products nito, na gumagamit ng mga plant-based na sangkap na masusing pinagsamasama upang maibigay ang pangakong hindi lamang pisikal na kagandahan sa bawat gumagamit ngunit maunlad na buhay din para sa resellers at distributors nito. Isang consistent Superbrands awardee ang Beautéderm. Ilan sa mga flagship brands sa ilalim ng Beautéderm ay ang sikat na sikat na Beautéderm Skin Care Sets para sa mukha at katawan; ang perfume collection nito na kina­bibi­langan ng Origin Senses perfumes for men, at marami pang iba – na lahat ay pawang top-selling products sa merkado.

Ngayon, may higit sa isang libong resellers at distributors ang Beautéderm dito sa Filipinas at sa ibang bansa at nagpapadala ng mga produkto araw-araw dito at sa abroad sa tulong ng isa sa pinakatanyag na shipping company sa bansa. Mayroon din physical stores sa iba’t ibang panig ng Filipinas ang Beautéderm at isa sa Singapore; at mayroong halos 40 brand ambas­sadors ang kompanya na kinabibilangan ng mga aktor at aktres, TV personalities, mang-aawit, beauty queens, mga politiko, come­dians, at social media influencers.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Barbie Imperial

Barbie sa netizens: Bakit ako naging malandi? ‘Hindi ako laspag?

MA at PAni Rommel Placente SINAGOT ni Barbie Imperial ang mean comments sa kanya ng ilang netizens, …

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Leave a Reply