Thursday , June 25 2026

Pagmamahal para sa pamilya at kapwa mangingibabaw sa kabila ng kasakiman at kasinungalingan sa Parasite Island (Humamig ng 30% rating sa pilot episode)

Sa kabila ng isang malaking trahedya ng nakaraan at isang misteryosong pagsiklab ng mga lintang umaatake sa mga tao, kaya bang manaig ng pagmamahal laban sa kasakiman, kasinu­ngalingan, at agawan?

Isang mahiwagang kuwentong kapupulutan ng aral ng mga manonood ang napapanood na sa ABS-CBN na “Parasite Island,” na nagsimula nang umere nitong Linggo, 8 Setyembre, at tinutukan ng sambayanan sa pagkakakuha nito ng national TV rating na 30% laban sa 17.3% ng “Daig Kayo ng Lola Ko,” base sa datos ng Kantar Media.

Isang magaling na paramedic si Jessie (Rafael Rosell) ngayon, lumaking pasaway matapos siyang sisihin sa pagkamatay ng tatay niya nang isalba siya sa pagkalunod sa lawa sa isla ng El Cuerpo. Hindi man si Jessie ang may kasalanan, si Jessie pa rin ang itinuturong dahilan ng kanyang mga kapatid kahit na sinabi ni Jessie na isang babaeng puro linta ang pumatay sa kanyang ama.

Higit dalawang dekada na ang lumipas nang mangyari ito, ngunit binabagabag pa rin si Jessie ng kaniyang konsensiya dahil sa nangyari sa ama. Nagtuloy-tuloy ang pagiging lasenggo ni Jessie na naging dahilan ng pagkawasak ng sarili niyang pamilya at relasyon sa asawang si Janelle (Ria Atayde).

Sa pagsapit ng ika-70 kaarawan ng kanyang inang si Daria (Liza Lorena), umuwi si Jessie sa El Cuerpo at ang mga sakim niyang kapatid na sina Warren (Michael Flores) at Gary (Bernard Palanca), na ang tanging gusto ay ipamana sa kanila ang malaking bahagi ng kayamanan ng kanilang ina.

Pagkatapos ng selebrasyon, matutuklasan ang totoong intensiyon ng bawat miyembro ng pamilya, samantala magsisimula na ang pagsakop ng kakaibang epidemya. Sa kabila ng nakahaha­wang kondisyon, masusubukan ang pag-aaruga nila sa kapwa at ang tunay na pagmamahal nila para sa kanilang pamilya.

Ang trahedyang dala ng mga linta na ba ang magiging sagot sa paghihilom ng kanilang mga sugat, o maging mitsa ito ng tumitinding inggitan at alitan sa buong mag-anak?

Tampok rin sa Dreamscape Entertainment production sina Desiree del Valle, Zeppi Borromeo, Fino Herrera, Charlie Dizon, Kaori Oinuma, Paulo Angeles, Ian Galliguez, at Bianca Manalo. Idinirek ito nina Avel Sunpongco and Richard Arellano. Tutukan ang mga inaabangang tagpo sa “Parasite Island,” tuwing Linggo, 7pm, sa ABS-CBN. Para sa updates, i-follow lang ang ABS-CBN PR sa Facebook (fb.com/abscbnpr), Twitter (@abscbnpr), at Instagram (@abscbnpr).

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …