Thursday , October 28 2021

Ika-12 taon ng Gabay Guro, star studded; Gabay Guro app inilunsad

ISA na namang star studded ang magaganap sa ika-12 anibersaryo ng Gabay Guro, PLDT-Smart Foundation’s flagship advocacy para sa mga guro, kasabay ang paglulunsad ng Gabay Guro app sa Setyembre 22, Mall of Asia Arena, Pasay City.

Pangungunahan ang Grand Gathering ng mga guro nina Kuh Ledesma, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Eric Santos, Pops Fernandez, at Regine Velasquez-Alcasid. Kasama rin sina Piolo Pascual, Angeline Quinto, Aegis, Christian Bautista, Eat Bulaga BakClash, Eat Bulaga Broadway Boys, Edward Barbers, Gabby Concepcion, Ian Veneracion, Jaya, Jay-R, Jayson Dy, Jed Madela, Jona, K Brosas, Klarisse De Guzman, Kyla, Maymay Entrata, Moira dela Torre, at Zephanie Dimaranan.

Sina Jose at Wally kasama si Dimples Romana ang magho-host ng event.

Bukod sa napakaraming artistang magbibigay-saya sa mga guro, may pagkakataon ding magwagi ng mga exciting prizes muka sa Gabay Guro’s partners tulad ng 100 winners ng Accident Insurance Policies for 1 year mula sa Inlife Sheroes, gift certificates mula Don Henrico’s, Fitness First, Jollibee, at Penshoppe. Mayroon ding Colgate at Palmolive, Pilipinas Alibaba, at Unilab Consumer Health; gadgets at free subscriptions mula PLDT Home; gadgets at mobile phones mula Smart, Sun at TNT; travel at leisure escape mula First United Travel, Inc., at Las Casas Filipinas de Acuzar; at libreng entrance tickets sa Enchanted Kingdom ; cash vouchers mula Aveda, Shopee at Lazada; Television sets mula Devant; cash prizes mula PLDR-Smart Foundation, Pecci, and Telescoop; livelihood packages mula Reyes Haircutters; motorcycle mula Motorlandia; Grantour can mula Foton; at brand new house and lot bilang major prize.

“Gabay Guro continues to develop innovative programs for our teachers and our partners in nation-building,” sambit ni Gabay Guro Chairperson Chaye Cabal-Revilla. “Every year, it is our great honor to be able to give back to our teachers through a grand tribute and we always look forward to continuing this mission and empower them through Gabay Guro’s previously 6 and now 7 core pillars of learning.”

Ang event ay exclusive para sa mga guro at ang admission ay libre. Maaaring kunin ang mga tiket sa inyong mga local DepEd unit.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Aljur Abrenica, Kylie Padilla

Kylie hinamon si Aljur: Let’s do it in court

KITANG-KITA KOni Danny Vibas “LET’S do it in court na lang kung gusto mo ng …

Liza Diño, Teofista Bautista

Chair Liza nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang Lola Teofista

Rated Rni Rommel Gonzales NAGLULUKSA ang Chairman ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na si Liza …

Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, Ping Lacson

Joey sinupalpal mga nagkakalat ng fake news; Solid Ping-Sotto tandem

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATIKIM ng supalpal mula kay Joey de Leon, Eat Bulaga host ang mga …

Kris Aquino, Mel Sarmiento

Kris tinanggap ang alok na kasal ni Sarmiento; Mga kaibigang celebrities kinilig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pa tapos ang pagpapakilig ni Kris Aquino sa kanyang fans dahil …

Tom Rodriguez, Carla Abellana, Wedding Ring

Tom at Carla opisyal ng mag-asawa

I-FLEXni Jun Nardo OPISYAL ng mag-asawa sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kahit makulimlim ang panahon, natuloy …

Leave a Reply