Saturday , May 18 2024

Andrew Gan, patuloy sa paghataw ang career

PATULOY ang pagdating ng magagandang projects kay Andrew Gan. After mag-guest sa Wish Ko Lang, Dear Uge at MMK,  naging bahagi si Andrew ng Mga Batang Poz, isang digital series ukol sa Filipino teen­agers with human immunodeficiency virus (HIV). Ang ibig sabihin ng term na poz ay taong HIV positive. Ang six-part series ay pina­ngungunahan nina Awra Briguela, Mark Neuman, Fino Herrera, at Paolo Gumabao.

Si Andrew ay bahagi rin ng horror series na Cuerpo Y Alma at ngayon ay napapanood din sa Kadenang Ginto ng ABS CBN.

Ano ang papel niya sa Kadenang Ginto? “Bale, coach po ako sa basketball nina Kyle at Mikoy doon,” sambit ni Andrew.

Ano ang reaction niya na nakalalagari siya sa Dos at Siyete?

Aniya, “Blessed po tito. Nag-start naman talaga ako sa Dos, sa Doble Kara bago po ako nag-Super Maam. Freelance po ako at mas okay po ‘yung ganoon, hehehe. Ito po ang perks ng freelancer, hahaha!”

Dagdag niya, “Kaya nasabi ko nga po na thankful ako sa mga project at sa chance na ibinibigay sa akin. So, sabi ko sa sarili ko, every project, every role, at every scene na gagawin ko, isasapuso ko talaga, maliit man or malaki ‘yung role.”

Bukod sa kaliwa’t kanang TV appearances ni Andrew, mapapanood din siya sa pelikulang tatampukan nina Carlo Aquino at Maine Mendoza titled Isa Pa With Feelings ng Black Sheep at APT Entertainment.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *