Friday , May 3 2024

Hueniverse, pinakamalaking music festival project nina John, Sam at Angelica

PASSION project ni John Prats ang Hueniverse Music Festival na nagsimula nang maikuwento ni Angelica Panganiban ang ukol sa mga naging pagdalo niya sa ilang music festival abroad. Ang pinakahuli ay sa isang probinsiya sa Japan.

Kaya naman ito ang isinunod na project ng Bright Bulb Productions na pag-aari nina John, Angelica, Sam Milby, kasama rin sina Camille Prats at Isabel Oli-Prats after ng matagumpay na concert ni Moira dela Torre.

Ani John, ito ang kauna-unahan at pinakamalaking music festival na gagawin sa ‘Pinas at inaasahan nilang gawin yearly.

This is John’s passion project, I’m more of an investor here when he started talking the idea last year, siyempre on board ako. I’ve only technically doing music festival and have an amazing experience in outside lands, San Francisco,” ani Sam at sinabing madalas nilang mapag-usapan ang pagsasagawqnnf music festival.

And yes we’ve always been talking doing about a music festival when we started Bright Bulb before and ‘yun ang nasa plans namin. Planning this everything and getting all the artists was Prat’s plan,” paliwanag pa ni Sam.

Ang Hueniverse ay isang music festival na dadahin tayo sa malayong wonders at realidad ng ating isipan na may starry night sa pamamagitan ng musika, arts, at dance. At ito’y magaganap sa Setyembre 28, 2019 sa Filinvest City Events Grounds na magsasama-sama ang mga homegrown at international artists.

Kasama sa Hueniverse Music Festival ang international artist na si John Borger o mas kilala bilang si Borgeous na kilalang American DJ at music producer.

Sa local artists naman kasama ang Spongecola, Autotelic, Allmost, The Ransom Collective, Agsunta, Bita and the Botflies, Mark Oblea, Claudia Barretto, Ron Poe, Jennifer Lee, Katsy Lee, Tom Taus, Written by the Stars, Chiquerella at isa pang surprise guest.

Ayon sa grupo, may mga undercover marshalls at PDEA agents na maglilibot sa bawat sulok ng Filinvest City Events Grounds para hindi matulad sa nangyari sa Close-Up Forever Summer tragedy noong Mayo, 2016 na ginanap sa SM Mall of Asia grounds na may mga namatay pa.

Sinabi naman ni Isabel, in charge sa Marketing, na may mahigit 50 food stalls sa loob ng Filinvest City Events Grounds na puwedeng bilhan ng mga pagkain, inumin at puwede ring mag-shopping dahil bawal magpasok ng inumin at pagkain.

“Kaya hindi tayo magugutom,” sambit ni Isabelle.

Hindi lamang ang mga manonood sa Hueniverse Music Festival ang masisiyahan dahil parte ng proceeds ng concert ay ibibigay sa Hueniverse Foundation. Layunin ng foundation na ito na makapagbigay comfort at tahanan sa mga inabandona, pinabayaan, at walang matirhang matatanda. Nais ng Bright Bulb Productions na makatulong at makapag-serbisyo sa mga nangangailangan.

Kaya watch na ng pinakamalaking music festival sa Pilipinas sa Sept. 28, sa Filinvest City Events Grounds. Bubuksan ang gates ng 1:00 p.m.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *