Thursday , June 25 2026

Pambato ng ‘Pinas sa Miss Philippines International Global 2019, itinanghal na 2nd runner-up

WAGI ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss International Global 2019 na ginanap sa Kuala Lumpur, Malaysia. Itinanghal ni Miss International Global Philippines 2019 Shayne Maxilom bilang 2nd runner-up gayundin ang Best In Catwalk, at Best In National Costume.

First runner-up naman si Miss International Global South Africa (Genive Trimble) na nakuha rin ang special awards na Miss Body Beautiful, Best Fashion Sense; samantalang itinanghal namang Miss International Global 2019 si My Huyen Nguyen (Miss International Global Vitenamn 2019) gayundin ang special award na Best In Evening Wear.

Si Shayne, 21, ay pProdukto ng De La Salle ­University, ­Dasmarinas at San ­Sebastian ­College–­Recoletos De Cavite at kapatid ng modelong si Van Maxilom.

Hindi na baguhan sa beauty contest si Shayne dahil marami-sami na rin ang kanyang nasalihan. Ilan dito ang Miss Summer League 2013, Miss Tuburan Cebu 2015, Miss Tanza 2017 (­runner up), Binibining Tanza 2018 ­(runner up), at Miss ­Investment House ­Association of the Philippines­ 2018.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …