Thursday , June 25 2026

Pagpapa-cute ni Joey kay Sylvia, ‘di umepek

MUNTIK na palang nagkaroon ng relasyon sina Sylvia Sanchez at Joey Marquez noon. Hindi lamang natuloy iyon dahil may Alma Moreno na ang actor.

Ani Sylvia, sinisipat-sipat na siya noon ni Joey. “Siguro kung wala siyang Alma noon at pumapasok na rin naman si Art (Atayde) baka naging kami.”

Nakagawa pala sila ng apat o limang pelikula ni Joey kaya naging magkaibigan sila.

Sinabi naman ni Joey na gandang-ganda siya kay Sylvia.

“Napakaganda ni Ibyang,” sambit ni Joey. “Napaka-sexy, napakaputi, at saka madaling pakisamahan,” anito pa.

At kapag niloloko-loko siya noon ni Joey, ang panakot niya ay si Alma.

“Mapapa-stop siya kapag nandiyan si Alma. Kasi, alam kong wala, eh. Lokohan.”

Ikinatuwa naman ni Sylvia na hindi sila nagkaroon ng relasyon ni Joey. Aniya, sobrang chickboy si Joey. “Baka hiwalay na kami ngayon. So ngayon, nagtatawanan na lang kaming dalawa.”

Nanatili ang pagkakaibigan nina Ibyang at Joey kaya naman masaya ang pagsasama nila sa bagong handog ng Kapamilya, ang Pamilya Ko na magpapakita sa pagsubok na hinaharap ng bawat pamilya—mula sa pagtataksil, away-kapatid, at trahedya—at ang mga bagay na magbubuklod sa kanila—pagpapatawad, pagtanggap, at pagmamahal.

Mapapanood ito simula Setyembre 9 at makakasama nila sina JM De Guzman Kiko Estrada, Kid Yambao, Jairus Aquino, Maris RacalKira Balinger, Mutya Orquia, at Raikko Mateo.

Kasama rin sina Arci Muñoz, Irma Adlawan, at Alyssa Muhlach mula sa direksiyon ni Raymund Ocampo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …