Direk Reyno Oposa active sa social media at may sariling Youtube channel

Mas updated, ngayon ang mga sumusuporta sa activities ng filmmaker na si Direk Reyno Opo­sa. Yes bukod sa kanyang regular na Face­book Live ay may sariling Youtube channel si Direk Reyno.

At hindi lang ang mga film projects niya ang tina-tackle niya sa kanyang Internet show kundi iba’t ibang topics na may kinalaman sa reality of life. Tulad ng mga kuwentong OFW, relasyon at paano ang tamang handling sa inyong finances.

And flattered ang kaibigan naming director-producer dahil tinatangkilik ang kanyang YouTube channel. Maging ang kanyang FB Live ay may mga following na rin. Napanood namin si Direk Reyno, at bilang host o tagapayo ay mako-convince ka niya, kasi mararamdaman mo ‘yung sincerity niya, mabuting puso at concern sa mga kapwa OFW. Ngayong November ay tuloy na ang pag-uwi sa Filipinas ni direk, at shooting agad ng bagong indie movie ang aatupagin niya at bubuksang negosyo.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma