Friday , May 3 2024

Aiko Melendez, makikipagtarayan kay Katrina Halili?

FAMILY at work oriented talaga ang mahusay na aktres na si Aiko Melendez. Kahit busy sa work, talagang naglalaan siya ng oras sa mga anak na sina Andre at Marthena, kaya every Sunday ay family day talaga kay Ms. Aiko at hindi siya tuma­tanggap ng work sa araw na ito.

Nakatutuwang basahin ang FB post niya kahapon (Tuesday), dito’y nabanggit ng aktres ang latest na kaganapan sa kanya. Kabilang dito ang kanyang dream house at ang pagpo-produce niya ng pelkiula, soon.

Post ni Ms. Aiko sa kanyang FB: “Goals! Work and Work Indie man or main stream basta magan­da script. But after Prima donnas i will stop doing antagonist roles muna for a change =ØBÞ Thurs Big announcement =ØOÞ Thank You i just want to be grateful for everything. Although a bit depress but fighting it through prayers! And supportive friends =ØBÞ kaya yan! And im finally going to produce a movie bibigyan ko ng oras yan. Basta magiipon ako uli. Para matayo na yung bahay na matagal ko na gusto ipatayo! So far lahat ng pinagdadasal ko pinagbibigyan ako NI LORD! Lahat yan plano palang but im claiming it matutupad lahat in Jesus name! And most of all ung baby project ko ipush ko yan madami mainsipre na gusto pumayat eto na un”

Anyway, happy si Ms. Aiko dahil sa magan­dang pagtanggap ng televiewers sa Prima Donnas na bukod sa kanya ay pinagbibidahan din nina Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, Sofia Pablo, Jillian Ward, Althea Ablan, at iba pa. Mula sa pamamahala ni Direk Gina Alajar, ito’y napapanood Mondays-Fridays, 3:25 pm.

“Happy and grateful with Primadonnas because I can say di kami nalalampaso naman sa ratings and maraming salamat sa mga com­mercials namin kasi puno po kami lagi. Thank You Lord!”

Nabanggit din niyang answered prayer ang serye nilang ito. “Yes, kasi inantay talaga ako ng GMA bago sila mag-start po, kaya thankful ako sa GMA po,” sambit niya.

Ano ang masasabi niya kay Katrina Halili na isa sa top kontrabida ng GMA-7? Magpapa­talbugan ba sila o magtatarayan sa pagiging salbahe? “Si Katrina is beginning to be a friend to me now po. So medyo at ease na ako, mabait ang role niya po here pero Im sure mayroong eksena na magsasagupa po kami, I just dont know when! Hindi ako makikipagtalbugan kasi dapat magtulungan kami para pareho kami mag-shine po,” sambit ni Aiko.

Bukod sa teleserye sa GMA-7, may special guest role si Ms. Aiko sa pelikulang Damaso ni Direk Joven Tan. Tinatampukan ito nina Christo­pher de Leon, EJ Falcon, Marlo Mortel, Nyoy Volante, Ket­chub Eusebio, at iba pa.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *