Friday , June 5 2026

Patahimikin n’yo na sina Gerald at Julia (Mas masahol pa ang iba riyan!)

I LOVE Bea Alonzo and inirerespeto namin kung ano ang nararamdaman niya sa nangyari sa kanila ni Gerald Anderson.

Bea is a strong woman at kung ano man ang pinagdaraanan niya ngayon ay naka­sisiguro kaming makaka­yanan niya ito.

Pero roon sa mga basher and haters nina Gerald Ander­son at Julia Barretto na parang wala nang bukas kung tilad-tilarin nila nang pinong-pino ang dalawa ay tumingin kayo sa salamin at huwag magmalinis.

Marami ang mas masahol pa kina Julia at Gerald at wala namang pinatay na tao ang dalawa para husgahan ninyo na parang mga kriminal.

Sa lovelife may pros and cons (kalakasan at kahinaan) ‘yan at kapag hindi mo destiny ay kahit na gusto mo pa ang iyong partner ay wala kang magagawa kung paghihiwalayin kayo ng tadhana. I’m not saying na tama ang ginawa ni Gerald na pangangaliwa kay Bea, dahil unfair naman talaga na girlfriend pa niya ang actress pero may nililigawan na siyang iba, na si Julia nga, na inamin pa mismo ng actor sa daddy ni Julia na si Dennis Padilla.

Saka may good side naman si Gerald at alam ito ng lahat ng mga taong nagmamahal sa kanya. Si Julia naman, siguro dahil bata pa ay nagpadala sa bugso ng damdamin. Well, pasasaan ba at lilipas din ang isyung ito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …