Saturday , July 2 2022

Summer MMFF, aarangkada na sa 2020

KAHANGA-HANGA ang bilis ng pag-aksiyon o pagbuo ng Metro Manila Film Festival Executive Committee sa rekomendasyon ni Sen Bong Go na magkaroon ng second edition ng taunang filmfest, ito ang Metro Manila Summer Film Festival sa gagawin next year, 2020.

Sa presscon na isinagawa ng MMFF Execom na ginanap sa opisina ni MMDA Chairman Danilo Lim, inihayag nila ang layunin ng MMSFF, paigtingin pa ang pagtulong sa local movie industry lalo na ngayong patuloy ang pagsemplang sa takilya ng ilang Filipino movies dahil na rin sa “influx of foreign films.”

Dinaluhan ang naturang pagpupulong ng MMFF Execom kasama sina Laguna Rep. Dan Fernandez at Rep. Len Alonte na nangako ng 100% suporta sa MMFF.

Napagkasunduan, base na rin sa rules and regulations, ang MMFF Selection Committee ang pipili ng walong official entries na ipalalabas exclusively sa Metro Manila at sa lahat ng mga sinehan nationwide sa loob ng 11 araw—mula Black Saturday hanggang sa second Tuesday after Black Saturday.

The event shall be undertaken in partnership with the Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP),” pagbabahagi sa statement ng Execom.

Sa 11 araw na ito’y walang foreign films na ipalalabas. Magkakaroon din ang MMSFF ng Parade of Stars na magaganap sa April 5, 2020 (Palm Sunday). Ipalalabas naman ang mapipiling Magic 8 sa April 11 to 21 at ang gabi ng parangal ay gaganapin sa April 15.

Sa paliwanag ni MMFF spokesperson na si Noel Ferrer, sinabi niya na kung ano ang ginagamit na criteria ng Selection Committee sa pagpili ng official entries tuwing December, iyon din ang gagamitin para sa summer MMFF. Ang unang magiging host city para sa summer filmfest ay ang Quezon City.

Ayon pa sa Execom, ang mga pelikulang pipiliin para sa MMSFF ay ibabase sa submitted finished films produced not earlier than Jan. 1, 2019 kabilang na ang mga naisumite na para sa 2019 MMFF finished film competition.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply