Friday , July 1 2022

Indie film na “Lukas” ni Avid Razul nabigyan ng Rated PG ng MTRCB

Masaya ang buong cast ng advocacy film na “Lukas” sa pangunguna ng lead actor ng movie na si Avid Razul dahil nabigyan ang movie nila ng PG o parental guidance rating ng MTRCB.

Ibig sabihin ay puwedeng mapanood ng bata basta may kasama sa sinehan na guar­dian. Maganda ang kuwento ng Lukas na ang tema ay mula sa verse sa Bible na Luke 12:30 at kapupulutan ng aral ng lahat. Leading lady rito ni Avid ang magandang aktres na si Kim Madison at matindi rin ang supporting cast ng nasabing indie film na kinabibilangan ng mga premyadong aktor na sina Rez Cortez, Soliman Cruz, Cloyd Robinson, Janice Jurado, Jao Mapa, Channel Latorre.

Magkakaroon ng premiere night ang Lukas sa SM Fairview Cinema 4 ngayong July 27, 7:00 pm na dadaluhan ng buong cast at director ng pelikula na si Lester Dimaranan na sumulat rin ng istorya. Ang Lukas ay produce ng Magic V Film Production nina Avid, Kim, CPL, LMP at ni Ma’am Jhercel Anne Lusaya.

By the way, dating alaga ng namayapang director na si Maryo J. Delos Reyes si Avid Razul.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply