Thursday , June 25 2026

Sunshine, muling magbibilad

KUNG patuloy na pinag-uusapan ang pagkapili sa bagong Darna in the person of Jane De Leon sa apat na sulok ng showbiz, ang isang pelikula namang inaantabayanan na sa paglabas nito sa Cinemalaya sa Agosto 2019 ay ang Malamaya na tinatampukan ni Sunshine Cruz.

Nailarawan kasi na very erotic ang mga eksena ni Sunshine with her leading man.

Pero ayon kay Sunshine na nagdiriwang ng kanyang ika-42 kaarawan, “Our movie is more than that. Nagugulat ako honestly sa headlines. Sana people will not focus on just my love scene/sex scene with a much younger actor. I accepted the movie because it is beautiful, it is different and challenging. I accepted it without any hesitation because I know I will be taken cared of by my directors (mga kapwa ko babae sila kaya alam kong inalagaan ako) and I have wonderful producers that include my mananger Arnold Vegafria. Being part of Cinemalaya is a blessing! I’ve always dreamt of being part of Cinemalaya and I am grateful for the chance.”

Maraming nais na sabihin ang karakter ni Sunshine na marami ang makare-relate sa nabuong katauhan niya na umiinog ang mundo sa Sining ng Pagpipinta na makatatagpo ng isang ang Sining naman eh nasa pagkuha ng mga larawan.

Malaki naman ang naging tiwala ng kanyang producers at director kay Sunshine na sina Albert Almendralejo, Danica Sta Lucia, at Leilani Chavez.

Living the life! Of a happy woman at that si Sunshine. With her daughters na doing good sa kani-kanilang pinagkakaabalahan and her inspiration, Macky Mathay.

“Pinaghihirapan siyempre lahat. Natutuwa lang ako sa ibinabalik sa akin ni Lord. Alam niyong lahat ang mga naging hamon ko sa buhay. I am not complaining. As a mother. As a partner. Now, as an artist na patuloy na pinatutunayan my worth. Sa TV, sa ‘Kambat’…now itong ako pa ang bida. What more can I ask for? Pasasalamat na lang everyday that I have come this far.”

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …