Monday , July 4 2022

Piolo, proud dad kay Iñigo; going int’l na kasi ang singing career (3 pelikula gagawin ngayong 2019)

SOBRANG proud dad si Piolo Pascual kay Inigo dahil gumagawa na ito ng sariling pangalan at kilala na rin sa ibang bansa bilang solo artist at hindi dahil anak siya ni Piolo.

Aniya, “with Inigo (Pascual), I’ve always believe in his talent. Hindi ko naman siya isasabak sa isang bagay kung wala siyang ibibigay. He had just to find his own niche, he had just to find his brand, to find his own music, so it’s good because we have different genre in music tapos ngayon focus siya sa singing with the kind of opportunity he has with ABS (CBN), we just really thankful because he chose to be with me, he chose to be with ABS same management as well as Star Magic and also Cornerstone (Talent Management).

Going international na ang singing career ng binata dahil kamakailan ay nag-shoot at nag-record siya ng MTV sa Amerika.

“Nakikita ko talaga how he perseveres with his craft and halos araw-araw ‘yun na ‘yung ginagawa niya at nakikita ko ‘yung growth niya. And he challenges himself to become a better performer and with ABS is backing natutuwa ako at hindi ako kinakabahan dahil alam kong ABS is with him 100% especially going international.”

Katabi naman ng aktor ang anak habang kausap siya. Ano naman ang reaksiyon ni Inigo na going international na ang singing career niya?

“That’s crazy and I feel the pressure right now, I don’t know how to really express you know how the way I feel it it’s crazy. When I went there to record songs, iba ‘yung experience, marami akong natutuhan it’s more of an immersion, iba ‘yung process nila sa paggawa ng kanta we spent for 12 hours and para sa akin, sobrang grateful lang ako sa mga nangyayari siyempre.

“It’s my dream to be able to create music and that alone just to represents the Philippines and to create music abroad, sobrang dream ko po ‘yan. It’s crazy right now, it’s not sinking it yet, I barely with this with my single option and we have the full album coming out soon so masaya ako for the people that I have around me such as my family and even Sunlife, this is like my 5th year (ambassador) and they allow me to create music for them kaya malaking bagay po para sa akin,” reaksiyon ni Inigo.

3 pelikula gagawin ngayong 2019

Samantala, may tatlong pelikula naman si Piolo na gagawin ngayong 2019.

“I’m going to do three movies, one with Alessandra (de Rossi) that she wrote and will be directing and another one, the Puppy Love that we gonna shoot in Bacolod for two weeks, locked in kami roon and the one with Clau (Claudine Barretto) in September.

“So I’m doing three movies this year but back on ‘ASAP’ and were doing the ASAP Tour sa 25 (July) TFC San Francisco and I’m doing my album.  I’m working on my album, it’s gonna be release on August or September, it’s a physical album comes out so excited ako kasi this time around it’s all originals.

“I’m collaborating with singers from Regine (Velasquez) way to KZ (Tandingan), puro babae. He’s (Inigo) the only male singer that I’m performing with, so ‘yun magko-collaborate kami sa isang kanta and I’m excited for that and we do tours together come October, we have in Hawaii then on Valentines, magko-concert naman ako rito, so dire-diretso pa rin,” kuwento ni Papa P.

Pinagpipilian naman kung sa Czech Republic o Florence ang entire location ng pelikula.

“Originally it’s in Florence, but it’s a toss-up between Prague, Czech Republic or Florence but tinatapos pa ni direk Cathy (Garcia Molina) ‘yung isang movie with KathDen but right away magga-grind kami after that.

“I’m just really happy because it’s the first time to work with her as a director, the last time we worked together sa Milan, she was our AD namin ni Claudine (assistant director) so I’m just really happy because siya ‘yung kasama ko ngayon as director,” pahayag pa.

Dagdag pa, “it’s not a continuation, it’s a good story, super nice story, matagal na ito sa Star Cinema finally magagawa na namin ito.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Blind Item, Mystery Man in Bed

Ilang male stars inilalako ng Malate pimp sa mga bading

ni Ed de Leon KABILANG ang ilang male stars at maraming personalities na rin na winners umano …

Alden Richards

Pandesal pictorial ni Alden makalaglag-panty 

I-FLEXni Jun Nardo LAGLAG-PANTY na, tulo-laway pa ang mga girl, matrona at bekis nang i-flex …

Ayanna Misola

Ayanna Misola, sapol ng Covid-19

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio TINAMAAN pala ng Covid-19 ang sexy star ng Vivamax na …

Donny Pangilinan Belle Mariano DonBelle

DonBelle excited sa kanilang US tour concert show 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ISA ang loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa excited na mag-show …

Alfred Vargas Family

Rep Alfred Vargas sulit ang pag-iwan sa showbiz

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio EMOSYONAL ang pagbibigay-pugay ni Quezon City Rep Alfred Vargas sa kanyang mga …

Leave a Reply