Tuesday , July 5 2022

K Magic nina Ate Girl at Koring, humahataw

PARAMI ng parami ang gumaganda sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa K Magic line of skin and hair product essentials ng broadcast journalist na si Korina Sanchez-Roxas na ineendoso niya kasama si Jacque “Ate Girl” Gonzaga ng It’s Showtime.

Maliban sa Wonder K na gumagawa at namamahagi ng pinagkakaguluhang pampapayat na powdered juice drink tulad ng K Berry Slim, ang K Magic ay FDA approved line ng skin and hair product essentials sa ilalim ng K Everyday, na parehong linya ng produkto ng Universal K Corporation ni Korina.

Kilala na ng marami ang star product ng K Everyday, ang K Magic Skin Cream for body and for face. Ito ang laging nauubos at pinag-aagawan. Kasi naman halos instant ang paglinis at pagputi ng balat kapag ipinahid. “Parang magic,” sabi nga ni Korina. “I’m very happy and proud of this product kasi nagustuhan talaga ng tao. Pero kailangan din masubukan ang lahat ng products ko because they’re all effective. Pinag-iisipan kong mabuti ang formulations and galing Switzerland pa ang ingredients.”

Ilan pa sa mga produkto ng K Magic na talagang humahataw sa merkado ay ang K Magic Happy Hair Shampoo and Conditioner na may aloe vera, argan oil and coconut oil na nagpapalambot, nagpapakintab, at nagpapatibay ng buhok; ang K Magic Anti-perspirant Whitening Deo Roll na habang may deodorizing at antioxidant properties, ay nakapuputi rin ng underarms; tineternuhan ito ng K Magic Underarm Whitening Serum na garantisadong magpapaputi ng kili-kili at inilalagay bago matulog sa gabi; ang K Magic Brightening and Moisturizing Facial Wash ay mayroon namang anti-bacterial tea tree extract para malinis talaga ang balat sa face na susundan ng K Magic Brightening Micellar Toner Mist para mabalanse ang Ph Level ng skin; at ang paborito ng lahat na K Magic Pampa Kit at K Magic Kili Kili Kit ay sets naman para nakakamenos sa presyo. Sa halagang P300, kompleto na ang set mo sa mukha at sa kili-kili.

Naniniwala ang K Magic na lahat ng tao ay may taglay na kakaibang ganda. Walang pangit. Pakay ng grupo ni Korina na palakasin ang self-confidence ng bawat babae o lalaki, at ma-maximize ang potential ng bawat tao na gumanda ng todo sa pamamagitan ng mga murang-mura at epiktibong produkto nito.

Sobra akong proud na napili ako ni Ate Korina para maging ambassadress ng K Magic. Nabanggit ko kasi minsan sa kanya na ginagamit ko ‘yung Pampa Kit and Kilikili Kit at Happy Happy Hair n’ya. Ayun, biglang sabi niya, perfect ako na maging tagabalita sa lahat ng pagka-effective ng K Magic products,” sabi ng sikat na segment host ng Its Showtime ng Dos. “Ok lang ang heart-broken, o kulang sa pang shopping, o pagod sa work. Basta kailangan maganda ka, hahaha!.”

Dalawang taon na ang nakalilipas magmula ng opisyql na nagsimula ang K Magic at mula noon marami na ang nahumaling sa mga produkto nito dahil napatutunayang effective. Makikita ito sa mga totoong tao na gumagamit at nagpapadala ng mga before and after photos kay Korina.

Habang naka-indefinite leave si Korina sa ABS-CBN bilang isa sa pinakamatinik at beteranang newscaster nito sa loob ng 30 taon, pinayagan na ng Kapamilya Network na pumasok sa negosyo ang host ng top-rating Sunday magazine show na Rated K. ”‘Am Happy I’m still with ABS-CBN dahil sa ‘Rated K.’ Sila lang ang nakilala at kinalakihan kong kapamilya and they continue to believe in me as I believe in ABS-CBN,” sabi ng broadcaster na ngayon ay entrepreneur na rin.

Matagal ko nang pinag-iisipan ang K Magic,” sabi ni Koring. “Kaya lang, siyempre naging abala ako sa trabaho ko sa Dos. Ngayong nag-file ako ng indefinite leave, mayroon na akong kalayaan at oras para sa pagpapaganda ng mga tao, na kahit sino ka man, abot kaya mo ang kagandahan. Lahat ng tao gustong umayos ang kondisyon ng balat at gumanda. Lahat gustong nangingiti ‘pag tumingin sa salamin. Lahat gustong mapansin at napupuri. Confidence ang katapat n’yan eh. Project Ganda ko ito,” deklarasyon ni Korina.

Madalas out of stock ang mga K Magic products kaya kapag nakahanap, dapat bilhin na. Sa rami rin ng nagtatanong kung paano makabili, nationwide na ngayon ito sa selected Mercury Drug Stores sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Pwede rin bumili sa mga online shopping sites tulad ng Shopee at Lazada. Mayroon din sa Victory Mall Pasay, Caloocan, at Antipolo, at sa mga selected Star Mall branches. Available na rin ito worldwide. Kahit anong bansa, maide-deliver. Pumunta lang sa www.keverydayusa.com at puwedenh bumili online.

Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga tumatangkilik ng K Magic. Sa totoo lang, ito ang dahilan kung bakit fresh na fresh kami ni Ate Girl Jacque at maligaya kaming ibahagi ito sa lahat,” masayang pahayag ni Koring. ”Tandaan, ang K Magic promise ay #gagandaKa.”

About hataw tabloid

Check Also

AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PAni Rommel Placente IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture …

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Cristy Fermin Toni Gonzaga

Cristy ipinagtanggol si Toni Lupang Hinirang maayos na nakanta

MATABILni John Fontanilla DINEPENSAHAN  ni Cristy Fermin si Toni Gonzaga sa mga taong nanlalait kaugnay sa pag-awit nito ng Lupang …

Jake Zyrus Charice Pempenco

Jake Zyrus deadma sa ina sa kanyang Transman Journey

MATABILni John Fontanilla PALAISIPAN sa mga netizen ang hindi pagkakabanggit ni Jake Zyrus sa kanyang ina sa …

Geneva Cruz

Geneva sa tumawag ng trying hard— It’s a reflection of how bad you feel about yourself

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Geneva Cruz ang isang netizen na tumawag sa kanya ng …

Leave a Reply