Wednesday , June 19 2024

Iñigo Pascual kasikatan nabantilawan

SOBRANG sikat ng “Dahil Sa ‘Yo” ni Inigo Pascual na kahit  2016 pa ini-release, hanggang ngayon ay marami pa rin kapwa singer ni Inigo ang kuma­kanta ng hit song niyang ito. Kaya sad ang balitang babalik na sa Amerika ang anak ni Piolo Pascual. Sabi, ay tatalikuran na ni Inigo ang kanyang career sa Filipina at sa States na ipagpa­pa­tuloy ang mga nasi­mulan.

At para sa ikalilinaw ng issue ay narito ang sagot ni Inigo sa bagong isyu sa kanya. “I’m not saying that I’m leaving the Philip­pines. I think hindi mangyayari yon. I was just repre­senting our country as a Filipino and I should never be ashamed of that and we should be proud of it,” paliwanag ni Inigo na may movie raw na tapos nang gawin katambal ang nakahiwalayang si Maris Racal at soon ay ipalalabas na raw ito.

Dovie San Andres may mystery hunk guy suitor

Always active si Dovie San Andres sa kanyang social media account partikular sa kanyang Facebook, pero matagal na tayong walang nababasa about Dovie kung kumusta na siya ngayon after the saddened death of her boyfriend Khristian Michael Villanueva na isang indie actor at isa sa cast ng “Agulu” ni Direk Reyno Oposa kasama ang halos kasabay na namatay na si Kristoffer King.

Finally nitong Miyerkoles ay naka-chat namin si Dovie at ayon pa sa controversial social media personality ay madalas pa rin ang iyak niya sa tuwing naaalala niya si Michael.

Halos ikamatay raw niya ang maaga nitong pagkawala lalo’t nalaman niya na magpo-propose na pala ito ng kasal sa kanya. Mabuti na lang daw at lahat ng kanyang mga anak na sina Dean, Duke at Elrey Binoe kasama ng kanyang bicolanong father sa Canada ay naging very supportive sa kanyang pagdadalamhati.

Pero, hindi naman daw niya ito ipinahahalata sa kanyang kids. Saka meron na raw nagpapasaya sa puso ni Dovie, na pakiusap niya sa amin ay huwag raw munang pangalanan. Basta very sweet ‘yung mystery hunky guy na laging may pa-good morning at good night kay Dovie.

Siya rin ang influence ni Dovie para mag-exercise araw-araw at ayusin ang kanyang diet. Basta in the meantime ay magbibigay lang muna tayo ng clue.

Ang tinutukoy ni Dovie na bagong manliligaw ay tulad rin ni Michael na indie actor at dating Chinese actor na pinagkakaguluhan raw ng mga babae. At napapanood ang actor sa number one action-drama series ni Coco Martin sa buong bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sa 40th anniversary

Eat Bulaga mamimigay ng brand new house & lot

Ngayong July, umpisa na ang month-long celebration ng Eat Bulaga para sa kanilang 40th anniversary sa television.

Katuwang ang BRIA HOMES, umpisa na rin ang pamimigay ng programa ng malalaking papremyo tulad ng brand new house and lot na worth millions.

Kaya Dabarkads mula Batanes hanggang Jolo, dalawa sa inyo ang may chance na mabago ang buhay!

Sa pamamagitan ng bagong bagong bahay at lote na puwede ninyong mapanalunan! Para makasali at manalo, abangan at i-comment ang tamang sagot + code na lalabas sa inyong TV screens.

TANDAAN: Dito lang po kayo mag-comment. Magiging invalid ang inyong comment sa ibang comment box.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

blind item woman

Madir ni sikat na singer namigay ng expired na chocolates 

I-FLEXni Jun Nardo PARTE na ng showbiz ang stage mothers and fathers. Medyo nababawasan na …

blind item

Male starlet nagbanta kung walang project goodbye produ na

ni Ed de Leon INAMIN ng isang male starlet na ginawa niya ang lahat ng ipinagawa sa …

Paolo Contis

Paolo walang bumati sa 3 mga anak noong Father’s Day

HATAWANni Ed de Leon ANG tanungan noong isang araw, binati kaya ng kanyang mga anak …

Onemig Bondoc

Onemig kung ‘di nagkamali ng diskarte baka sikat pa rin ngayon

MAYROONG isang mahilig na mag-post ng mga lumang artista sa social media at noong isang …

Kim Chiu Aileen Choi-Go Sisters Napkins

Kim deadma na sa past relationship, blessings dagsa

PUSH NA’YANni Ambet Nabus DAPAT na lang sigurong deadmahin ni Kim Chiu ang mga isyung may kinalaman …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *