Thursday , July 7 2022

Umento segurado… P150-B pondo sa dagdag-sahod ng teachers hinahanap pa

MAGHAHANAP ang Palasyo nang pagkukuhaan ng P150-B para sa umento sa sahod ng may 800,000 public school teachers sa bansa.

Nanawagan ang Pa­lasyo sa mga guro na habaan ang pasensiya at tiniyak na gumagawa ng paraan ang pamahalaan.

“I just received from Secretary Briones, coming from the Department of Budget Secretary, that if you increase P10,000 for every teacher in this country, it will cost us hundred fifty billion pesos. That is why we appeal to our teachers that since this is a huge amount, medyo haba-habaan lang ninyo ang pasensiya, talagang mag­hahanap tayo ng pera para sa inyo,” ani Pre­sidential Spokesman Salvador Panelo.

Noong Enero ay na­bang­git ni Pangulong Rodrigo Duterte na kaka­usapin niya ang mga titser para ipaliwanag ang mga bagay na kaakibat ng hiling nilang dagdag suweldo.

Samantala, malamig ang palasyo sa hirit ng Alliance of Concerned Teachers na maglabas si Pangulong Duterte ng isang executive order para sa hirit na salary hike.

Ayon kay Panelo, madali itong sabihin pero mahirap gawin hangga’t wala pang nakikitang puwedeng  paghugutan ng pondo.

Hayaan muna ani­yang gawin ng economic managers ang kanilang trabaho para makakita ng pagkukuhaan ng pang­sustento sa dagdag su­wel­do ng mga titser.

Dahil dito, hindi pa masabi ni Panelo kung kai­lan maaaring maka­tikim ng taas-suweldo ang mga guro.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Ops kontra sugal ikinasa 6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA Boy Palatino

Ops kontra sugal ikinasa
6 SUGAROL NASAKOTE SA CALAMBA, LAGUNA

NASUKOL ng mga awtoridad ang anim na indibiduwal na sangkot sa ilegal na pagsusugal sa …

arrest, posas, fingerprints

Wanted sa murder
LIDER NG GUN-FOR-HIRE GROUP ARESTADO

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking wanted sa kasong murder at sinasabing lider ng …

dead gun

Convenience store nilooban
KAWATAN BULAGTA SA ENKUWENTRO, KASABWAT NAKAPUSLIT

NAPATAY ng mg aawtoridad matapos manlaban ang isang armadong lalaking pinaniniwalaang nanloob sa isang convenience …

marijuana

Nagkakalat ng marijuana sa Bulacan
TULAK AT RUNNER NA MENOR DE EDAD, TIKLO SA DRUG STING 

NAARESTO ng mga awtoridad ang dalawang personalidad na pinaniniwalaang tulak ng marijuana kabilang ang isang …

dead gun police

Sa Jaen, Nueva Ecija
CARETAKER NIRATRAT NG RIDING-IN-TANDEM 

PATAY ang isang caretaker nang barilin ng dalawang armadong lalaking magkaangkas sa motorsiklo sa bayan …

Leave a Reply