Sunday , June 16 2024

Radio program ni Erwin Tulfo sa gov’t radio station sinibak

TINANGGAL ang programa ni Erwin Tulfo sa state-run Radyo Pilipinas dahil sa pambabastos kay Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista.

Imbes “Tutok Tulfo” ang umere sa 10:00-11:00 ng am kahapon, ang programang “Birada Bendijo” ni Aljo Bendijo ang narinig sa Radyo Pilipinas.

Sinabi ng source sa Palasyo, nagpasya ang pamunuan na tanggalin ang programa ni Tulfo matapos ulanin ng batikos ang pam­ba­bastos ng komentarista kay Bautista.

Nauna nang inimbesti­gahan ng Program Content and Development Committee ng Radyo Pilipinas ang kontrobersiyal na episode ng Tutok Tulfo.

Maging si Presidential Spokesman Salvador Pane­lo ay tiniyak ang suporta ng Palasyo kay Bautista.

“There’s no question about — we are supporting General Bautista; walang problema doon, talagang we are supporting him,” ani Panelo sa press briefing kahapon sa Palasyo.

Kaugnay nito, nagpa­hayag na rin ng suporta ang Association and Flag Officers (AGFO) para kay Bautista.

Ang pagbira ni Tulfo kay Bautista, anang AGFO, ay isang masamang ehemplo para sa mga bagong mama­mahayag at katibayan ng isang nag-abuso sa free­dom of expression.

Kamakalawa ay tinang­gal ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang security detail ng magkakapatid na Erwin, Ben, Raffy at Ramon Tulfo.

Nauna rito, umalma ang Philippine Military Academy Alumni Assoaciation Inc. (PMAAI) sa maaanghang na salitang binitiwan ni Tulfo laban kay Bautista na miyembro ng PMA Class ‘85.

Sa kanyang radio Program noong 28 Mayo, tinawag ni Tulfo na punyeta, buang at binantaan na ingungudngod sa inodoro si Bautista dahil nabigong makapanayam ang DSWD Secretary.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *