Monday , July 4 2022

Para sa Speakership… Vote buying ‘sumingaw’ sa ‘secret meeting’

TALAMAK ang bilihan ng mga boto para sa pag­ka-speaker sa Kongreso kahit may mga panawa­gan na idaan sa prinsipyo ang pagpili ng ilalagay bilang pinakamataas na lider sa Kamara de Representantes. 

Kamakailan, nagpa­labas ng imbitasyon ang chief of staff  (COS) ng isa sa mga kandidato sa pagka-Speaker, si congress­man Lord Allan Jay Velasco, sa mga kongre­sista na sumaglit para sa isang “short meeting” sa penthouse ng Ramon Mitra building sa Batasan Complex.

Ayon sa imbitasyon ng COS ni Velasco, puwedeng sumaglit ang mga kongresista sa pagi­tan ng “10 am to 5 pm” ng 3 Hunyo, Lunes, sa naturang lugar at ang kanilang pagpunta para sa “short meeting” ay  “will be greatly ap­preciated.”

Marami ang nagtata­ka kung bakit kailangan isa-isa pang harapin ang mga kongresista sa “short meeting” na ipinatawag ni Velasco, gayong pu­wede naman daw na isang malaking grupo ang pag­pupulong sa kanila.

Dahil dito, kumakalat ngayon ang mga espeku­lasyon na may isang malaking ‘sikreto’ na ‘ibibigay’ sa mga kongre­sista kaya’t kailangang isa-isa imbes sabay-sabay silang imiting ni Velasco.

Matatandaan, noong nakaraang linggo, ibinun­yag ni Davao del Norte congressman Pantaleon Alvarez na dalawa sa kanyang katunggali para sa pagka-speaker sa darating na Kongreso ay nagbubuhos ng pera sa mga kapwa kongresista para suyuin ang kanilang boto.

Hindi pinangalanan ni Alvarez ang dalawang kandidato sa pagka-Speaker, pero ayon sa kanya, nag-alok ang isa ng P500,000 kaya tina­patan ito ng isang kandidato — P1 million per congressman.

Si Velasco ay agad na nagpalabas ng pahayag na itinatanggi ang aku­sasyon ng vote buying kahit wala namang sina­bing pangalan si Alvarez.

Si Leyte congressman Martin Romualdez, isa rin sa naghahangad na ma­ging Speaker, ay walang naging pahayag.

Ayon kay Velasco, wala raw siyang ganoon kalaking perang ipapa­mudmod na P1 milyon kada congressman.

Pero ayon sa ilang source, kahit hindi mag­labas si Velasco ng pondo ay matindi naman ang kanyang backer na isang higanteng tycoon.

Sinabi rin ng mga source na maraming congressman ang nades­maya at nagalit sa mga balitang ito, dahil luma­labas na nakikialam ang tycoon sa mga isyu sa Kongreso na dapat ay mga mambababatas ang magpapasya.

Umaani ng suporta ngayon ang panawagan ni  Taguig congressman Alan Peter Cayetano, isa sa mga pangunahing kandidato sa Speaker­ship, na ibase sa prinsipyo ang pagpili ng susunod na Speaker ng Kamara.

Ilan sa mga sumu­porta sa panawagan ni Cayetano ang mga ka­par­­tido niya sa Nacio­nalista Party tulad ni Camarines Sur congres­sman LRay Villafuerte, na nagsabing marami sa mga kapwa niya kongre­sista ang sumasang-ayon sa naging pahayag ni Caye­tano kahit marami silang nababalitaang ma­tinding vote-buying sa Kongreso.

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply