Saturday , July 2 2022
electricity meralco

Asec. Delola ng DOE ‘sinilip’ sa Kongreso

IPINABUBUSISI ng Kongreso ang kahina­hinalang pagpabor ni Depart­ment of Energy (DoE) Asec. Redentor Delola sa isang kompan­ya ng supplier ng koryente sa Mindanao.

Kinakitaan umano ng “conflict of interests” o espesyal na proteksiyon sa isang kompanya na ipinagbabawal saan­mang ahensiya ng pama­halaan.

“Kailangan maim­bestigahan ang isyung ito. Dahil kung siya nga ay may pinoprotektahan o pumabor sa isang kom­panya. Aba, dapat siyang maalis sa puwesto. Hindi natin maaaring palag­pasin ang ganitong uri ng kaso,” pahayag ni Rep. Teodoro Montoro na naghain ng House Resolution No. 2577.

Nakasaad sa HR No. 2577 ni Montoro na dapat paimbestigahan si Delola sa napabalitang pagpa­bor sa kompanyang Western Mindanao Power Corp. (WMPC) na pag-aari ng Aboitiz Group of Companies.

Ani Montoro, si Delola ay nanungkulan sa Aboitiz Power Distri­bution Utility (APDU) hangang sa panahon na siya ay ma-appoint bilang assistant secretary ng DOE.

“We urge the Com­mittee on Energy, Com­mittee on Good Govern­ment and Public Account­ability to investigate this incident. Ang ganitong uri ng desisyon ay hindi dapat makonsinti, bagkus ay patawan ng kaukulang parusa upang hindi pa­ma­risan ng ibang naka­posisyon sa gobyerno lalo na kung may mataas na katungkulan,” dagdag ni Montoro.

About hataw tabloid

Check Also

Lani Cayetano Alan Peter Cayetano Taguig 1

Panunumpa sa tungkulin sa Taguig City

MASAYANG nanumpa si Taguig City Mayor Lani Cayetano kay Hon. Judge Antonio Olivete sa pormal …

Ruffy Biazon Muntinlupa oathtaking 1

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City

PORMAL na nanumpa ang bagong chief executive ng Muntinlupa City na si Mayor-elect Ruffy Biazon …

Mel Aguilar April Aguilar Las Piñas Feat

Mel at April Aguilar nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City

SABAY na nanumpa sa kanilang tungkulin si Las Piñas City Mayor Imelda “Mel” Aguilar at …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

Bongbong Marcos BBM

Pagbasura sa DQ kay Marcos ‘di nakapagtataka – Makabayan

HINDI, umano, nakapagtataka ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang mga petisyon na idiskalipika …

Leave a Reply