Saturday , July 2 2022

Libreng seminar sa wika at tula, handog ng KWF sa mga SPA ng NCR

MAGSASAGAWA ang KWF ng Uswag Wika at Tula, isang libreng seminar sa wika at tula para sa mga Special Program for the Arts (SPA) ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) mula 29-30 Mayo 2019 sa Marikina Science High School.

Layunin ng seminar na mabigyan ng karagdagang kasanayan ang mga guro at mag-aaral ng SPA sa wastong paggamit ng wikang Filipino at mga kumbensiyon sa pagsulat ng tula.

Sasailalim ang mga piling kalahok sa pagtuturo nina Dr. Michael M. Coroza ng Pamantasang Ateneo de Manila (tula) at Prop. Eilene Narvaez ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman (wika).

Bahagi ang libreng seminar sa kampanya ng KWF para sa pagpapalaganap ng Filipino at pakikipag-ugnay sa mga SPA bilang mahalagang katuwang sa mga gawain sa wika, kultura, at sining ng mga ahensiya ng pama­halaan.

Ang SPA ay pambansang programa ng DepEd para sa mga kabataang may potensiyal at talento sa iba’t ibang sining.

Inaasahang dumalo ang mga kinatawan ng SPA mula sa mga lungsod ng Pasig, Marikina, Mandaluyong, Maynila, Parañaque, Muntin­lupa, Quezon, at Malabon.

Hinahangad ang aktibong pakikilahok ng SPA sa buong bansa sa mga itinataguyod ng KWF tulad ng Pambansang Kampong Balagtas, Gawad Jacinto, iKAW, at iba pang proyektong nakatuon sa pagpapasigla ng haraya at kamalayang pangkultura ng kabataang Filipino.

About hataw tabloid

Check Also

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

JC Santos Rhea Tan Beautéderm BeautéHaus

JC Santos, bilib sa husay ng alagang BeautéHaus

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni JC Santos ang kagalakan sa ginagawa sa kanyang …

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

Para sa surgical mission sa Bohol Eye doctors inilipad ng Cebu Pacific

INIHATID ng Cebu Pacific Air sa lungsod ng Tagbilaran, sa lalawigan ng Bohol noong nakaraang …

JC Santos Beautéderm BeautéHaus Rhea Tan Shyleena Herrera

JC Santos handa na uling mag-topless
(Thankful sa alaga ng BeauteHaus) 

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga  BUONG ningning at full of confidence na inihayag ni JC Santos na handa …

JC Santos Beautéderm BeautéHaus Rhea Tan

JC Santos naibalik ang abs dahil sa BeauteHaus

PORMAL na sinasalubong ng BeautéHaus si JC Santos bilang opisyal na brand ambassador nito. Itinatag ni Rhea Anicoche-Tan noong 2016, ang …

Leave a Reply