Monday , June 24 2024

Sa isyu ng climate change: Dapat makialam lahat — Catan

DAHIL sa pagkabigo ng pamahalaan na maka­pagdulot ng konkretong pambansang solusyon upang mapigilan kung hindi man maiwasan ang mga pinsalang dulot ng climate change, napa­panahon na upang kumilos ang mga namumuno mula sa mga rehiyon hang­gang sa mga lalawigan at mga muni­sipali­dad para maak­siyonan ang mapa­minsalang phenomenon.

Ayon kay Gonzalo Catan, Jr., ng Green Char­coal Philippines, kailangan pagsikapang magkaroon ng mga batas na makapagpapababa ng carbon dioxide emission dahil ito ang pangunahing pinagmumulan ng polusyon sa hangin.

Nagbubuga pa rin ng maitim na usok ang maraming pabrika at mga sasakyan na nagiging sanhi ng patuloy na pagtaas ng temperatura.

Sariwa pa sa ating mga alala ang sinapit na napakalaking pinsalang idinulot ng bagyong Yolanda na kumitil nang halos 10,000 buhay sa Leyte.

Kung tatanungin tayo kung tayo nga ba ay handa na sa ganito kalaking sakuna, ang sagot ay hindi pa rin.

Sa Estados Unidos, pinalitan na ng gas mula sa uling ang paggawa ng koryente na nakatulong sa pagbaba ng kanilang temperatura kagaya noong dekada ‘90.

Sa ulat ng United Nations sa London, sinabi ng tanggapan ng UN para sa Disaster Reduc­tions na ang climate change ang sanhi ng kama­tayan ng 1.3 milyong katao sa loob ng 20 taon sa buong mundo, at 2.9 bilyong dolyar na halaga ng pagkalugi sa ekonomiya.

Dagdag ni Catan, kailangan maihatid ng pamahalaan ang tulong na mas makagagaan sa trabaho ng ating mga magsasaka dahil ito ang magiging daan upang mapalakas ang mga komunidad at maging handa sa mga epekto ng climate change.

Kailangan magkasangga ang disaster risk reduction at climate change adaptation upang magkaroon ng pangmatagalang development plan sa pambansa at lokal na pamahalaan upang mapigilan ang epekto ng climate change.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Kahit agrabyado sa imported rice
MAGSASAKA KALMADO SA KRYSTALL HERBAL OIL

Mahal naming Sis Fely Guy Ong,          Ako po si Gualberto Estopace, 62 anyos, isang …

Toni Gonzaga Alex Gonzaga Aqua Planet Resort

Toni ipinasara resort sa Pampanga

MATABILni John Fontanilla SOBRANG saya ng naging bonding ng Gonzaga sisters na sina Toni at Alex gayundin ng ibang miyembro …

Rhea Tan BB Pilipinas 2024 Beautederm

Beautéderm founder Rhea Tan pinagtibay partnership sa Bb. Pilipinas

PAGKATAAN ng matagumpay na partnership last year, masayang inanunsiyo ng Beautéderm founder na si Rhea Tan ang panibagong partnership …

SM Supermalls 100th Job Fair 1

SM Supermalls Celebrates Milestone with 100th Job Fair

June 14, 2024 – Manila, Philippines –SM Supermalls proudly hosted its 100th job fair, reinforcing …

Dr RMU Roma Ulama Claudine Barretto

Dr RMU ng Cebu at talent ng Entablado excited makatrabaho si Claudine

SOBRANG excited at masayang-masaya ang doktor na expert sa non-surgical beauty enhancements sa pagkakasama niya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *