Thursday , June 13 2024

Negosyante at character actress na si Yvonne Benavidez hinahanting sa utang ang isa sa producer ng “Men In Uniform”

HINDI biro ang magtiwala at magpautang lalo na kung hard earned money ito, kaya naman galit na galit ngayon ang MEGA-C owner at nag-aartistang si Madam Yvonne Benavidez sa umutang sa kanya ng halagang P350K na si  Mr. Jose Olinaris a.k.a. Jay-Ar Rosales ng Active Media Events at isa sa producer ng indie movie na “Men In Uniform.”

Ang taga-DWBL raw na si Elsa Dioneda na pinagtataguan na rin siya ang nag-guarantor kay Jay-Ar kaya niya pinahiram. Bale P100K pa lang ang naibabayad kay Madam Yvonne dahil tumal­bog ang lahat ng mga inisyung tseke. At kaya raw naengganyo si Madam Yvonne na pautangin si Jay-Ar ay dahil sa magandang offer at matatamis na salita na bukod sa investor siya, ay isasama siya sa pelikulang “Men In Uniform” na idinirek ni Neil “Buboy” Tan.

Tutubo pa ng 15 percent ang P350K niya na payables in three months at bawat ticket sa special screening nationwide ay may Mega C blister na 10 capsules na kikita siya ng P35.00 in every ticket. Tapos sila pa ang official vitamins ng Men In Uniform.

Wala raw natupad sa mga ipinangako sa kanya maliban sa paglabas niya sa pelikula na gumanap siyang General at nakaeksena sina Rommel Padilla at Rayver Cruz. At para makabayad lang si Rosales na radio broadcaster at indie film producer ay hindi na nag-demand pa ng interest si Madam Yvonne na kung tutuusin ay P507,500 ang dapat i-settle pero ang sinisingil na lang sa kanya ng businesswoman-character actress ay P250K.

Tinawagan raw ni Madam Yvonne si Direk Buboy pero ayaw raw nitong maki­alam sa issue. Hawak ng negosyante ang lahat ng ebidensiya kaya walang lusot dito si Jay-Ar Rosales, kaya dapat ay makipag-ugnayan na siya agad kay Madam Yvonne at sa legal counsel ng negosyante.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

Elisse Joson McCoy de Leon

Elisse ipinagtanggol si McCoy: Don’t put him in a box, he’s a person not a label 

MATABILni John Fontanilla HINDI nagustuhan ni Elisse Joson ang pagma-marites sa kanya na umano’y cheater ang kanyang …

Klinton Start

Supremo ng Dance Floor Klinton Start gradweyt na sa kolehiyo 

MATABILni John Fontanilla NAGTAPOS na sa kolehiyo ang tinaguriang Supremo ng Dance Floor na si Klinton …

Coco Martin Julia Montes

Tibay at pagiging open nina Coco at Julia pinuri ng netizens 

MATABILni John Fontanilla MASAYA ang fans nina Coco Martin at Julia Montes dahil mukhang handa na ang mga itong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *