Sunday , June 16 2024

Janella Ejercito-Estrada nagalak sa suporta (Taga-San Juan pinasalamatan)

LUBOS ang pasasalamat ni San Juan mayoralty candidate Janella Ejercito-Estrada sa mga taga-San Juan nang dagsain ang kanyang campaign rally sa Pinaglabanan Shrine kamakailan.

Sa mga pagtitipon ng supporters ng magka­bilang kampo sa lungsod ng San Juan noong naka­raang Sabado, kitang-kita na mas marami ang supporters ni Janella sa kanilang pagtitipon na tinatayang lumagpas ng 30,000 lehitimong resi­dente ng San Juan.

Malayo ito nang anim na beses kompara sa pagtitipon ng kanilang mga katunggali na nasa loob lamang ng Arena Sports Complex na may standing capacity na 5,000.

Ang naturang pagki­los ng supporters ni Janella Ejercito Estrada ay repleksiyon ng mga isinagawang survey ng Pulse Asia at SWS na lumalamang si Estrada sa kanyang katunggali.

Sa nakitang pagkilos ng mga taga-San Juan, tila nagpapatuloy ang pag­mamahal nito sa pa­milyang Estrada na pinamunuan na sila sa loob nang mahigit limang dekada.

Ngayong araw, 13 Mayo ay magkakaalaman kung si Janella ay mailu­luklok kapalit ang last termer na si Mayor Guia Gomez at inaasahan ng una ang muling pagsu­porta ng mga taga-San Juan.

About hataw tabloid

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *