Yvette Ocampo, patok sa endoso ng Iglesia Ni Cristo

OPISYAL nang inendoso ng Iglesia Ni Cristo si Yvette Ocampo, kandi­dato sa pagka-kongre­sista sa ika-6 na distrito ng Maynila, kasama ng kan­yang kapatid na si Chikee Ocampo na tuma­takbo naman sa pagka-konsehal sa nasabing distrito.

Si Yvette ay bunsong anak ni dating congress­man Pablo Ocampo ng Maynila at kapatid ng kasalukuyang kongre­sista na si Sandy Ocampo na magtatapos sa kan­yang ika-18 taon sa serbisyo bilang kongre­sista sa parehong distrito.

Nangangako si Yvette Ocampo na ipagpa­patuloy ang mabubuting programa ng kanilang pamilya sa Sta. Ana, Pandacan at Sta. Mesa, Maynila.